ERRIECA'S P.O.V.
Dalawang araw na ang nakakalipas nang madulas ako sa may ilog at sa dalawang araw na yun halos hindi ako makalakad, nagpapabebe na ako sa kanila pero hindi naman ako pinapasin. Nakakainit ng anit.
Pero syempre dahil maganda ako maayos na ang pakiramdam ko. Wala na yung sakit ng puwet ko. Kung nasa probinsya ako ipapahilot ko lang to wala na agad ang sakit.
Ang arte arte kase ni Bryan pati ni Blake eh, sinabi ko sa kanila na ipapahilot ko yung puwet ko sa kanila kase ang sakit sakit pero ang mga kumag na yun namula lang yung mukha. Nag please please pa ako sa kanila pero walang effect iihh, ayaw talaga nila. Sabi ko naman naghuhugas ako ng puwet nang maayos pero ayaw talaga nila. Nakakainit ng anit kaya hindi ko na sila pinilit baka paluin ko pa puwet nilang matambok.
Pero dahil maayos na ang pakiramdam ko ngayon magpapakapokpok na ulit ako. Bakit ba buhay ko to eh kaya kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko dahil ako ay pabebe girl walang makakapigil sakin. Che.
"Ohhh, Bon Bon bumangon ka na dyan. Pok pok kang aso ka ang batugan mo talaga."
Pero ang pokpok na aso tumalikod lang sakin.
"Ahhh ayaw mo ha." Pinalo palo ko ang puwet niya tapos tinabunan ko ng unan yung ulo niya. Hahahaha. Ewan ko nalang kung di ka pa bumangon.
"AWWW AWW AWW." sabi niya ang echosera ko daw na pokpok. Sinisira ko daw ang maganda niyang panaginip.
"Halaaa. Teka lang. Nananaginip ba ang aso? Hala anong napanag-inipan mo?" Tanong ko sa kaniya. Syempre gusto kong malaman yung panaginip niya. Baka kinikiss na ako ni crush ko dati na may crush nang iba. Nakakaasar sa ganda kong to inayawan pa ako. Nakangiti pa sya sakin nung sinabi niya sakin na may crush na daw siya. Sobrang ganda daw tapos ang bait bait pa. Kaya ayon nahurt at nabroken into million pieces ang pokpok kong puso. Bakit kase nagkakagusto ako sa taong may gusto naman na palang iba nakakaasar.
"AWW AWW AWW." secret daw sabi niya.
"Malantod kang aso ka. Pasecret secret ka pang nalalaman. Akala ko ba wala tayong secret sa isa't isa. Tinuring kitang kaibigan Bon Bon tapos ganito ka lang sakin? Wala ka bang tiwala sakin? Pokpok man ako pero pwede kang magtrust sakin Bon Bon. Sige salamat nalang sa lahat." Pagdradrama ko sa kaniya. Nakakahurt talaga siya. Lahat sinasabi ko sa kaniya tapos ngayon ayaw niya sabihin sakin yung dreams niya. Ang unfair niya.
"AWW AWW AWW." bahala daw ako sa buhay kong pokpok. Kita mo tong asong to. Nagdradrama na nga ako hinihurt padin feelings ko.
Tok tok tok.
Agad akong napalingon sa door nang may kumatok doon.
"Who's that kabayong bundat?" Tanong ko sa kaniya pero sa halip na sumagot ay kumatok lang ulit siya.
Tok tok tok.
"Ang pokpok mo alam mo yun. Tinatanong ko kung sino kang talipandas ka? Sumagot ka. Bahala ka di ko bubuksan ang door kapag hindi mo sinabi ang pokpok mong pangalan." Nakakastress siya eh, tinatanong ko kung sino sya hindi ko naman siya pinapakatok ulit.
"Its me Blake." Napangiti naman ako nang marinig ko ang pangalan niya. Kase nitong mga nakaraang araw lagi niya akong dinadalaw dito sa kwarto ko eh, friendship na kaming dalawa. Pero si Bryan na yun ayaw ata sakin tapos si Bruce naman ewan ko parang may tililing ata yung bata na yun. Ayaw makipaglaro sakin.
"Okiee pokiee. I'm coming." Pagkasabi ko nun ay binuksan ko na ang door at nakita ko si Blake na nakatayo sa harapan ng door.
"Ohhh anong chika mo ngayon Blake? Napag isipan mo na bang hilutin ang puwet ko?" Muli siyang namula dahil sa sinabi ko. Problema ba nitong kumag na to. Tinatanong ko lang iihh.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...