Chapter 13

47 9 0
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Dalawang araw na ang nakalilipas nang magpunta dito si Jerry my labs at sa dalawang araw na yon ay miss na miss ko na siya pati ng matres ko. Hihihi charot lang. Pero namiss ko talaga ang pogi tapos mayaman pa nna si Jerry my labs. Pero sa dalawang araw din na yon inaaway ako ni Bryan kase nga nalaman niya yung MAWHALI. Jusko naman sinong pokpok ang hindi agad makakagets don? Eh mismong mga batang pokpok saamin alam na yon eh, tapos siya nagpatulong pa sa kapatid niyang paulit ulit pero dahil shunga shunga din si Blake hindi rin naman niya alam. Jusmiyoperdones nagsearch pa daw sila para lang sa meaning non. Sinong pokpok ang niloko nila? Mabuti pa yung  feelingerang echoserang si Nishel alam yon. Naturingan pa silang matalino tapos MAWHALI lang nahirapan pa? Nakakainit sila ng anit eh.

Pero dahil nga maganda at prettyful ako ay pinabayaan ko nalang sila sa mga buhay nila. Mababanas lang ako sa kanila. Pero alam nyo ba may secret ako. Hihihihi. Alam nyo bang nakakapagadjust na yung boobs ko sa aircon? Hihihi. Nakakatuwa lang eh. Sa ilang linggo ko dito sa bahay ng mga Vila Fuego nagawa ko naring makapag-adjust at makipagpokpokan sa mga tao dito. Pati naka ilang ligo narin ako sa ilog nilang nakasemento. Nakakatuwa lang diba.

Pero may isa pa kaninang umaga, maaga akong nagising dahil sa may taong pumunta dito pero dahil ako lang ang nandito kase nga maaga daw umalis sina Bryan at Blake ay ako ang nakipag-usap sa kaniya. Eksakto namang ako pala talaga ang hanap niya. Alam kong maganda ako pero hindi ko alam na famous pala ako. Hihihi.

Ayon na nga kinausap ako ni Attorney Marcus tungkol sa perang sinabi saakin ni Tita Vanessa noon bago sila umalis  na makakatanggap nga daw ako ng Fifty thousand pesos weekly. At dahil miyerkules ngayong araw, ewan ko kung bakit hindi lunes dapat nyng lunes yon eh char hindi naman ako excited na humawak ng ganon kalaking pera medyo lang. Hihihihi. Ayon na nga natanggap ko na kanina, pero ang sabi saakin ni Attorney Marcus na confidential daw yon, wag ko daw sasabihin sa iba. Secret lang daw namin yon nina Tita Vanessa at Tito Christoff pati ni Attorney Marcus at ako. Ewan ko kung bakit pero dahil sa masunurin akong pokpok ay susundin ko nalang. Kase naniniwala ako sa kasabihang "Follow must be Follow because Follow is Follow" kung sa tagalog para maintindihan mo kase nga bobo ka eh sundin ang dapat sundin. Okie pokie?

Kaya ito ako ngayon sa kwarto ko nagpapakapokpok, charot. Nakatitig ako sa perang nasa safe vault daw. Kase naman pagpunta dito ni Attorney Marcus eh may dala siyang lalagyan na box na may orasan sa unahan tapos napipihit. Ewan ko kung orasan ba ang tawag doon kase naman iisang kamay lang yung umiikot. Pero sabi naman niya ay dun ko daw ilalagay yung password o yung pin ng sfe vault. Kaya ayon bago siya umalis kanina ay tinuruan at sinubaybayan niya ako sa paglalagay ng pin sa safe vault daw na yon. Ehh pwede ko namang ilagay nalang sa alkansya yung pera eh o di kaya naman ay sa Drawer ko diba? Kase ganon kami sa probinsya namin dati. Ilalagay lang namin sa alkansyang kawayan o di kaya ay isusuksok namin sa aparador tapos nakalagay sa lagayan ng ice cream o di kaya ay sa lagayan ng biskwit pero hindi naman siya nawawala tapos madali pang dukutin kapag nangangailangan ako.

Sabi saakin ni Attorney Marcus na wag ko daw kakalimutan yung pin kaya ayon sinulat ko sa papel tapos itinabi ko sa drawer ko. Pero sa totoo lang wala naman akong paggagamitan ng perang yon eh, jusko saang kapokpokan ko gagamitin ang perang yon eh wala naman akong luho masyado sa buhay basta nakakakain ako ng sapat sa bawat araw eh ayos na. Pero parang gusto kong bumili ng lollipop para naman may malumluman ako, nakakaasar kase si Bryan eh ayaw magpalumlom.

Kase naman noong nakaraang araw may lollipop syang dala para daw kay Bruce. Sabi ko titikim ako at yon pumayag na si Bruce na titikman ko yung lollipop niya, share daw kase kami, eh masyadong atrabida itong si Bryan ayaw nya akong palumlumin sa lollipop ni Bruce,  eh kung yung sa kanya ang lumlumin ko eh ewan ko sa kaniya. Char char lang hihihi. Baka magalit wag nalang pala baka di ko kayanin.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon