ERRIECA'S P.O.V.
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari. Yung mga bagay na hindi natin inaasahan na darating o mangyayari. Kahit na anong iwas pa ang gawin natin o kahit gaano pa tayo kaingat kung darating talaga siya sa buhay natin ay wala tayong magagawa. Tadhana ang tamang tawag sa bagay na iyon. Hindi natin masusukat kung kelan at kung paano siya darating sa buhay natin ngunit ang kailangan lang nating gawin ay harapin ito at manalig na malulusutan natin ang mga bagay bagay.
"Errieca."
"AY POKPOK NA BAOG." agad akong napasigaw nang dahil sa pokpok na nagsalita sa likuran ko. Agad rin akong napatingin sa kaniya at saka sinamaan siya ng tingin.
"Jusko naman Blake. Ano bang trip mo sa buhay at nanggugulat ka? Ha? Alam mo naman na pokpok akong tao tapos maganda at prettyful pa kaya sobra akong magugulatin." Inis kong singhal sa kaniya at saka pilit na kinakalma ang pussy ko este ang puso ko dahil sobra siyang kumalabog. Para akong nakipagchukchakan ng todo at para akong tumakbo ng sobrang layo dahil sa klase ng tibok ng pussy ko.
"I'm sorry. I just want to ask if everything is alright?" Tanong niya saakin kaya naman napaisip ako.
Ayos na nga ba ang lahat? Siguro okay naman na. Tumango ako sa kaniya at saka may iniabot sa kaniya na puting sobre.
"Para san to?" Kunot noo niyang saad saakin ngunit ngumiti lang ako.
"Ganito Blake ha, ibibigay mo lang yan kay Bryan kapag may nangyari na hindi maganda. Okie pokie? Wag mo bubuksan yan kundi mabibigwasan talaga kita ng lima."
"Wait. What do you mean?" Lumapit siya saakin habang nakatingin sa sobre na hawak hawak niya. Siguro ay sobra siyang nagtataka sa laman ng sobre na yon. Hindi naman yon pera jusko hindi ko naman siya sinusulsulan diba? Hihihi.
"Wala lang. Gaya ng sabi mo kanina kung ayos lang ang lahat, ahm. Ang tawag kase dito paghahanda okie pokie? Basta ha wag na wag mo yang bubuksan gusto ko si Bryan unang makabasa nyan ha." Nakangiti kong pagkakasabi sa kaniya.
Hindi ko kase alam kung tama ba itong gagawin ko, kaya kagabi pinag-isipan kong mabuti ang lahat at pinag-isipan ko rin ang paghahanda na dapat kong gawin. Alam ko na hindi ko matatakasan ang kalalabasan ng lahat dahil wala naman akong choice diba? Isa pa para rin naman ito kay Bryan. Ang iniisip ko na lang ay sana maganda ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
"Okay I got it. So what now? Mamaya lalabas na si Kuya Bryan sa hospital. I guess sobra ka niyang namiss." Nakangiting pagkakasabi saakin ni Blake kaya tinugunan ko na rin siya ng ngiti.
Parang wala sa bokabularyo ko ngayon ang kapokpokan dahil hindi ko alam ang mangyayari. Kinakabahan ako na naeexcite. Hihihi.
"Ahm. Bale pasok lang muna ako sa companya ha, kase may aasikasuhin lang ako don. Tapos babalik na rin ako dito. Sana nga hindi matagalan kase diba baka maunahan akong makauwi dito ni Bryan. Edi wala na lahat ng pinaghirapan ko. Huhuhu."
"Silly. Everything will be alright. Isa pa hindi naman mapupunta sa wala lahat ng pinaghirapan mo. Bumalik ka na lang agad dito okay?" Sambit niya saakin kaya sinuklian ko siya ng isang ngiti. Ngiti lang ang kaya kong isukli sa kaniya kase nga wala akong barya sa bulsa ng palda ko. Jusko. Tama na yon.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at saka kinuha ang bag na dadalhin ko. Ito ang huling araw ko sa pagiging acting CEO kaya dapat maayos ko muna yung naiwan kong gawain. Para kapag bumalik na si Bryan sa kompanya ay wala na siyang iintindihin na mga naiwan kong gawain.
"Sige na Blake mauna na ako ha. Para makabalik rin ako agad." Pagpapaalam ko kay Blake at saka nagtungo na papalabas ng bahay este ng mansyon. Alam nyo ba na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakatira ako sa ganito kagarbo na bahay. Ewan ko parang kahit kailan hindi ako masasanay.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...