ERRIECA’S P.O.V.
Hanggang ngayon ay natatawa parin ako dahil sa nangyari kanina. Ewan ko rin, samantalang kanina naman halos lumabas na yung pussy este yung puso ko kanina dahil sa sobrang kaba, pero ngayon natatawa na ako. Hahahaah. Mga pokpok na to baka sabihin nyo na luka luka ako, heler sa ganda at prettyful kong ito luka luka ako? Ehhh kung bigwasan ko kayo dyan ng lima? Hmm.
Ehh kase nga natatawa ako dahil akalain nyo yun, yung panty na suot ko ngayon na kupas ay yun pala yung nakakupas sa polo ni Bryan hahahha. Kaya pala kumupas na yung kulay ehh dahil sa bwisit na polo ni Bryan, inagawan pa ng kulay yung panty ko. Pero kers lang kase nga nasa loob naman ng pajama ko yung panty na suot ko. Alangan naman na nasa labas? Hindi naman ako katulad ni superman na bobo kase nagbribrief eh nasa labas naman ng suot niya.
Buryong buryo na ako dito sa kwarto ko kaya naman naisipan ko nang maligo na lang nang sagayon ay fresh na fresh ako mamaya. Malay nyo mawala na yung galit saakin ni Bryan kapag naamoy niya akong bagong ligo diba? Hahahaha. Tapos sasabihin saakin ni Bryan.
“Errieca ang ganda at prettyful mo talaga, tapos nagligo ka pa? anong shampoo at sabon ang gamit mo?” hihihihi. Alam ko namang badingersy yong si Bryan kaya inggit sa ganda ko at aalamin pa yung shampoo at sabon na gamit ko.Nagpunta na ako sa drawer ko at kumuha ng damit na susuotin ko.
“hoy Bon Bon ano sa tingin mo ang maganda kong isuot?” pagtatanong ko kay Bon Bon habang nakaupo sa likuran ko.
“aww aww aww.” Sabi niya wag na daw akong magsuot kase daw maganda na ako tapos prettyful pa kaya naman napangiti ako kaso nga lang napasimangot din ako kaagad.
“Pokpok ka ba BonBon? Alangan namang hindi ako magsuot ng damit ano? Gaga ka, edi nakita na ng lahat ang yamang pinakaiingatan ko? Jusko naman BonBon, pokpok akong tao pero never been see at never been touch ako ano. Anong tingin mo sakin kaladkarin? Hindutin? Pokpok ako BonBon pero kahit ganon Virgin Coconut oil pa rin ako ano. Hmmm. Bahala ka nga diyan.” Pagtataray kong pagkakasabi kay Bon Bon.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa ang hirap pumili sa dalawa kong hawak na damit, tapos mamaya pipili pa ako ng isusuot kong panty at bra, pati short na isusuot ko.
Nahagip ng mata ko ang damit na ibinigay saakin ni Angeline, kaya naman napangiti ako ng wala sa oras. Kase ito yung damit na isinuot ko nung birthday ni Angeline, dapat nga ako ang magbibigay sa kaniya ng regalo pero ako yung nakatanggap. Ewan ko ba sa babaeng yon, sabi niya sakin eh pinaglumaan na daw niya pero nakakatatlong beses palang niyang nasusuot, pero dahil daw mabait siya at bessywap daw niya ako ay ibibigay nalang daw niya saakin.
Kinuha ko na ito at itinaas, kulay puti yung damit tapos may nakalagay sa likod na “He’s Mine” kaya naman nakakatuwa. Sunod ay binuksan ko naman ang lagayan ko ng undies at muli akong napabuntong hininga dahil ang hirap magdecide kung anong kulay ang isusuot ko.
“mini mini my ni mo, puwet ng kabayo kamukha mo, titi ng pulis Matulis, kinagat ng ipis, namaga.” At sa huli ang naituro ko ay ang kulay itim ko na panty na puro lace sa gilid kaya naman teternuhan ko nalang siya ng bra ko na black rin at may lace. Hihihihi.
“hmmm, ay eto nalang hahahaha.” Napatawa ako nang makita ko ang black na short ko. Fitted kase sya eh pero komportable naman akong isuot yon.
Nagtungo na ako sa banyo ng kwarto ko para makapagligo na, shampoo dito, shampoo doon. Sabon dito, sabon doon. Kuskus dito kuskus doon. Banlaw dito banlaw doon. Wahlah tapos na. hihihihi.
Matapos iyon ay nagtuyo na ako ng katawan ko at saka nagbihis ng pinili kong mga damit. At shemay ang ganda at prettyful ko talaga kahit anong isuot ko. Nagsuklay na rin ako ng buhok ko tapos isinuot ang tsinelas ko.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...