Chapter 29

48 9 7
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Buong buhay ko ay naniniwala ako na ang first kiss ang pinakaespesyal na regalo na maibibigay mo para sa taong papakasalan mo. Ito rin yung regalo na wala kang ibang ginawa kundi ang pakaingatan ito, pero paano na lang kung may taong talipandas na hudas ang magnakaw sayo ng first kiss mo.

"Waaahhhh, beshy wap. Hudas talaga yung mawhali na yon. Nakakainit siya ng anit." Inis kong pagkakasabi kay Angeline na nasa kabilang linya. Pinatawag ko kase siya saakin dahil stress na stress na ako sa buhay ko.

Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa pagnanakaw saakin ni Bryan ng first kiss ko. Sa totoo lang eh pinag-isipan kong mabuti kung sasabihin ko ba kay Angeline ang nangyari dahil sigurado ako na tatawanan lang ako ng pokpok na yon at hindi nga ako nagkamali dahil pagkasabing pagkasabi ko pa lang sa kaniya ay tawang tawa na siya saakin.

"Hahahaha. Besh okay lang yan ano ka ba? Pati wag ka na ngang mag-inarte kase nga gwapo naman yung humalik sayo pati isa pa diba siya naman yung papakasalan mo? So anong pinagkaiba non?" Pagpapangaral niya saakin pero napabusangot na lang ako. Kase dapat sasabihin niya saakin na bawiin ko yung first kiss ko sa kaniya o di kaya naman ay bigwasan ko para makabawi bawi naman ako sa kapokpokan ni Bryan saakin. Pero hindi eh, natuwa pa siya kase may nakahalik na saakin tapos gwapo pa daw. Aaminin ko naman na gwapo si Bryan eh, pero ninakawan niya ako ng first kiss kaya naiirita ako sa kaniya. Jusko. Nakakainit siya ng anit. Saka isa pa, kung ikakasal man kami ay yon ang pinaka the best na ireregalo ko sa kaniya kaso wala na, kase ninakaw na niya agad saakin.

"Pokpok na to. Oo na nga gwapo yung talipandas na yon at saka masarap pa tapos matambok ang puwet. Pero kahit na pokpok akong tao, iniingatan kong mabuti ang first kiss ko kase nga yon ang pinaka the best na regalo para sa taong papakasalan ko. Isa pa hindi naman ako sigurado na papakasalan ako ni Bryan kase nga diba Probinsyana ako at galit siya sa katulad nating galing sa probinsya. Ewan ko nga sa talipandas na lalaking yon eh, sobrang laki ng galit sa mga probinsyana parang yung pototoy niya. Nakakainis siya ka.... "

"Hoy besh, paano mo naman naikumpara yung laki ng galit niya dun sa ano na sinasabi mo? Bakit nakita mo na ba? Hahahaha." Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil sa biglang pagsingit saakin ni Angeline.

"Oo nakita ko na besh, at talagang malaki. Jusko, parang di ko kers yon. Hahahah. Pero pokpok kang babae ka. Waaaaahhhhh. Bakit pinaalala mo na naman. Jusko naman. Kinalimutan ko na yung hugis, laki at itsura non eh, tapos pinaalala mo pa? Ano ka ba naman besh. Huhuhu. Waahhhhh." Kinakalibutan kong pagkakasabi sa kaniya ngunit narinig ko naman na bigla siyang nagpakatawa tawa dahil sa mga sinabi ko. Bakit ba? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Pokpok na to.

"Hahahahaha. Seriously besh? Nakita mo talaga yon? Bwahahaha. The best ka talaga besh. Akalain mo yon kahit na sobrang sama ng lumalabas sa bibig mo eh alam ko naman na wala ka pang nagagawang milagro sa buhay pero nang makapunta ka dyan nakakita ka ng ahas na buhay na buhay at walang halong kalokohan. Hahahaha." Tawang tawa niyang pagkakasabi saakin habang ako naman ay pinangangalibutan nang muli kong maalala ang pangyayari sa pokpok na araw na yon.

"Hay nako besh, ang pokpok mo talaga kahit kelan. Ipapaalala ko lang sayo na ang usapan natin ay tungkol sa magnanakaw ng first kiss ko at hindi yung tungkol sa nakita kong pototoy ni Bryan. Besh naman eh, nakakainit ka ng anit. Isang topic lang oy, baka di ko kayanin at sugurin ko pa si Bryan ng halik." Reklamo kong tugon sa kaniya na mas lalo naman niyang ikinatawa kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang patayin ang tawag niya.

"Hay nako. Ang pokpok talaga nung babaeng yon." Napahinga ako ng malalim at saka tumayo na para pumunta sa loob ng bahay.

Wala akong pasok ngayon dahil day off ko, ganon din naman si Bryan at Blake pero meron silang ginagawa at ako meron din naman pero tinatamad pa ako kaya mamaya ko nalang gagawin. Gusto ko sanang sugurin silang dalawa dahil sa kapokpokan nila sa buhay ang kaso nga lang sobrang busy nilang dalawa at ayaw ko naman na guluhin sila at baka masigawan pa ako ng wala sa oras.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon