ERRIECA'S P.O.V.
"WHAT? but how about the company?" Rinig kong pasigaw na saad ni Bryan kay Tita Vanessa at Tito Christoff.
Isang araw na ang nakalipas nang mangyari ang engkwentro namin ni Blake pero bati naman na kami. Nagsorry na din ulit saakin ang talipandas na lalaking yon. Kaya pinagbigyan ko na, syempre may binigay saaking chocolate eh. Favorite ko kase talaga ang chocolate kaso dati sobrang minsan lang ako makakain ng chocolate kase naman ang mahal mahal. Nakakatanggap ako ng Chocolate kapag valentines kase nga yung may mga crush sakin binibigyan ako. Syempre di ko naman sila sinasagot dahil may Jerry my labs na ako diba nga. Pero may labs ng iba si Jerry my labs eh. Pero kers lang kase nga maganda ako tapos prettyful pa.
"I'm sorry son, but this is important. Our business in Palawan is at risk and we need to solve it." Saad ni Tita Vanessa kay Bryan na ngayon ay nakasimangot na.
Kase naman biglaan ang pag-alis ngayon nina Tita Vanessa at Tito Christoff. Paggising ko palang nag-aayos na sila agad ng gamit at halatang luluwas sa dami ng maletang dala dala. Sabi kase nila kanina may problema daw yung branch ng companya nila sa palawan kaya ayon aalis sila.
"Can't Mr. Lim handle it with his own? Bakit kailangan pa ninyong pumunta doon? And for fucking one month and more kayo magsstay doon?" Naghyhysterical na saad ni Bryan.
Alam mo tong lalaking to mabibigwasan ko ng lima. Eh kase naman paulit ulit, hindi makagets naturingan pang matalino eh hindi nga maintindihan na importante yung pupuntahan eh. Nakakainit ng anit.
"No, thats why he asked for our help. And son its for the sake of our company. We can't risk one of our branch. Malaki ang mawawala saatin once na mawala ang branch natin sa palawan." Pagpapaliwanag sa kaniya ni Tito Christoff. Pero ang talipandas na lalaki parang mas sumimangot ata. Parang hobby na ata niya ang pagsimangot, halikan ko siya eh nang hindi na mag simangot. Kaso baka naman bitayin ako nang wala sa oras kaya wag nalang pala. Hahahha.
"Okay Fine." Walang ganang saad ni Bryan sa magulang.
Para naman tong siraulo eh. Kanina galit na galit tapos ngayon parang wala lang. Adik ata tong lalaking to eh.
"Son, we know you can handle the company. Nandyan din naman si Blake to help you and you can also ask for Errieca's help. She can...."
"No Dad, Blake and I can handle the company. We don't need her help." Pagbabara sa kaniya ni Bryan. Kita mo tong lalaking to, nagsasalita pa si Tito Christoff binara na agad. Isa pa parang ayaw ata nito saakin ah. Magaling kaya ako sa business no. Anong akala niya sakin walang alam? Hmmm kakaasar.
"I know we can count on you. We're going okay. Bye take care." Pagkasabi noon ni Tito Christoff ay lumabas na sila ng door pero bago pa man sila tuluyang makalabas ay muli siyang lumingon saamin.
"Oh by the way Errieca can we have a talk first?"
"Ako po?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Stupid. He already call your name." Rinig kong saad ni Bryan kaya naman tumayo na ako pero bago ako tuluyang makalagpas sa kaniya ay tumingin muna ako sa kaniya bago umirap. Bakit ba ehh sa nakakainit siya ng anit eh. Nababanas ako sa kaniya. Gusto ko siyang bigwasan ng lima, teka parang kulang ata ang lima, hmmm sampo pala para masaya.
Nang makalabas kami ng door ay nagtungo kami sa garahe bago ako hinarap ng mag-asawa.
"Errieca Dear. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak ko ha. Especially Bruce." Litanya ni Tita Vanessa saakin. Teka lang mukha ba akong yaya? Mukha ba akong baby sitter? Sa ganda kong to pag-aalagain ako ng dalawang halos ka age ko tapos isang bubwit? Sinong niloko niya. Pero wag na palang magreklamo baka mapalayas ako dito. Hihihi.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...