ERRIECA'S P.O.V.
Tumatakbo ako ngayon sa hallway ng kompanya habang patuloy ang pagtulo ng luha mula saaking kyot na mga mata. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkakatama ng likod at ulo ko sa pader pati na rin ang pagkakasakal saakin ni Bryan gayundin ang suntok sa sikmura na nakuha ko mula kay Bryan. Sobra akong nasasaktan ngayon at pakiramdam ko ay ano mang oras ay tatakasan na ako ng malay pero wala akong oras na mawalan ng malay dahil kinakailangan kong umalis sa kompanyang ito. Marami akong nakakasalubong na empleyado sa kompanya at alam kong nagtataka sila dahil ang magandang si ako ay tumatakbo habang umiiyak na para bang pokpok na tumakas sa kliyente niyang may pototoy na halos singhaba at singtaba ng braso ng bata. Pero hindi ko na sila pinapansin kahit na tinatanong nila ako dahil wala akong panahon sa kanila na mag explain, wala akong oras sa kapokpokan nila at sa pagiging chismosa nila. Alam kong likas na chismosa ang mga nandito kaya hindi ko na sila pagtutuunan pa ng pansin.
Nang makatapat ako sa elevator ay agad kong pinindot ang pindutan papababa sa ground floor at mabilis naman itong nagbukas. Laking pasasalamat ko na walang tao sa loob ng elevator dahil sa tingin ko ay hindi ko na kakayanin pa at totoong malulugmok na ako oras na tanungin ako ng kung sinong pokpok iyon. Nang makasakay ako ay agad rin itong nagsara ngunit agad rin akong napaupo dahil nangingig ang buong katawan ko dahil sa pagod sa pagtakbo papalayo kay Bryan at saka sa sakit na dinulot niya sa pussy ko este sa puso ko. Para bang dinurog ng pinong pino ang puso ko dahil sa mga ginawa saakin ni Bryan. Patuloy ang pagtulo ng luha ko at hindi ko na napigilan ang paghikbi dahil sobra na akong nasasaktan. Gustong gusto ko nang makaalis dito pero sobrang pokpok ng elevator dahil sobrang bagal niyang bumaba.
Buti na lang kanina ay may mga empleyado na tumulong saakin na makatakas kay Bryan dahil kung hindi ay tuluyan na akong malalagutan ng hininga.
FLASHBACK
"Br-yan, ple-ase bi-tiw-an m-mo ak-o." Patuloy kong pagmamakaawa kay Bryan dahil hanggang ngayon ay sakal sakal pa rin niya ako at nakaangat na rin ang mga paa ko sa sahig. Ngunit tila wala siyang naririnig at patuloy lang siya sa pagsigaw saakin habang sinasabi ang mga bagay na sobrang nakakasakit.
Mabagal na ang nagiging paghinga ko at sobra na rin akong nahihirapang huminga dahil sa mahigpit na pagkakasakal niya saakin. Tila namamanhid na rin ang mukha ko dahil sa pagkakasakal niya saakin na pumipigil sa pagdaloy ng dugot at hangin papunta sa kabuuhan ng ulo ko. Konting konti na lang ay bibigay na ang katawan ko ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang akong napasalampak sa sahig at bigla na lang natumba si Bryan kasabay ng isa pang lalaki.
Habol habol ko ang hininga ko habang hawak hawak ko ang leeg kong kanina lang ay sakal sakal ni Bryan.
"MA'AM TUMAKAS KA NA PO." Bigla akong natauhan nang dahil sa pagsigaw ng lalaki kaya agad akong napatingin sa kaniya. Agad ko rin naman siyang nakilala nang makita ko ang mukha niya. Siya si Jake ang isa sa mga naging katulong ko sa pakikipagdeal kay Mr. Lim na siyang target investor ng kompanya. Pinilit kong tumayo ngunit parang tinakasan ako ng lakas at hindi ko magawang makatayo.
Sa ilang beses kong pagbabalak na makatayo ay nagtagumpay rin ako habang nakaalalay sa pader akmang hahakbang na ako ay nakaramdam ako ng paghila sa buhok ko dahilan para mapasigaw ako ng malakas.
"AAAHHHHHHHHH." Isang napakalakas na pagsigaw ang kumawala sa bibig ko dahil sa pagsabunot saakin ni Bryan.
"AND WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING? I'M NOT DONE YET, NOT UNTIL I KILL YOU!" Sigaw niya saakin at mas nilakasan pa ang paghila sa buhok ko nakaramdam din ako ng suntok sa tiyan ko dahilan para mamilipit ako sa sakit.
"AHHHH." patuloy na kumawala ang masasaganang luha mula sa mga kyot kong mga mata.
Namimilipit ako sa sakit dahil sa patuloy niyang paghila sa buhok ko at sa suntok sa sikmura na natamo ko mula rin kay Bryan. Nakakarinig ako ng mga pagsigaw mula kay Bryan pati na rin sa iba pang tao na nakapalibot saakin ngunit hindi ko na sila halos maintindihan dahil sa nandidilim kong paningin. Tila nabibingi na rin ako at hindi na halos magproseso ang utak ko dahil ang tanging laman lang ng isip ko ay ang sakit at paghihirap na nararanasan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...