Chapter 19

35 8 0
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

"Ohh Nishel ano bang lulutuin mo? Nakakainip ka alam mo ba yon? Nagprisinta ka pa saakin na ipagluluto mo ako tapos ngayon hindi mo alam kung anong iluluto mo? Nakakagago ka na ha." Inis kong pagkakasabi kay Nishel.

Eh kase naman. Kanina pa kami nakarating dito sa kusina at halos trenta minuto na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa menu. Jusko naman. Nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan tapos kung anong oras na hindi parin ako nakakakain. Pokpok akong tao kaya dapat kumain ako sa tamang oras.

"Sorry naman ma'am. Ang hirap magdesisyon eh. Wait lang ha. Wag kang dali dali." Dahil sa sinabi niyang iyon saakin ay siya namang ikinabagsak ng balikat ko.

"Nako Nishel, wag ka na nga magluto dyan. Nakakainit ka lang ng anit eh." Inis kong saad sa kaniya. Ewan basta naiinis ako. Kung sinama lang sana ako ng talipandas na lalaking yon hindi sana ako magugutom ngayon at kakakain sana ako sa tamang oras.

"Ehh anong kakainin mo ma'am?" Nag-aalala niyang pagkakasabi saakin kaya naman napaismid na lang ako.

"Magsasabaw na lang ako ng kape sa kanin ko. Jusko naman. Napakatagal mo kaseng magdesisyon eh nagugutom na ako." Pagkasabi ko noon ay tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagtungo sa water dispenser at naglagay ng tubig na mainit sa nakuha kong baso.

Hindi ko naman kailangang mag-inarte eh basta ba makakain ako tapos. Dati nga sa probinsya dahil sa sobrang hirap ng buhay ko noon eh nag-uulam lang ako ng de-sabog. Yun ang tawag saamin. Yung kanin na bububuran ng asukal o di kaya ay asin tapos sasabawan ng tubig. Wala eh, ganon talaga pagkamahirap ka lang hindi mo kailangang mag-inarte sa buhay, magpasalamat ka nalang sa biyayang natatanggap mo. Minsan nga bumibili ako ng tigpiso na chichirya para may pang-ulam ako, pinakapaborito ko noon ay yung bangus. Ang sarap kaya non.

Nang makapagtimpla na ako ng kape ay nagtungo ako sa mesa at kumuha na ng kanina at saka sinabawan ko yon ng kape.

"Waahhhh, sarap." Nakangiti kong pagkakasabi nang makasubo ako. Masarap naman yung kape ko eh, matapang ang pagkakatimpla tapos nilagyan ko ng gatas para masarap.

"Grabe ma'am. Mabuti at kumakain ka ng ganyan." Rinig kong sambit saakin ni Nishel na ngayon ay nakatingin lang saakin habang kumakain ako.

Nilingon ko naman siya ngunit bago ko siya sagutin ay nilumod ko muna ang kanin na nasa bibig ko.

"Malamang. Gaga ka, sa sobrang hirap ng buhay ko dati sa probinsya mag-iinarte pa ba ako? Jusko lahat na lang ng kahirapan sa buhay napagdaanan ko na ata, pati hindi ko naman kailangan na magreklamo pa, kase imbes na magreklamo ako nagpapasalamat nalang ako." Saad ko sa kaniya saka muling sumubo ng pagkain ko.

Beep beep beep.

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng nagdoor bell kaya naman agad na tumayo si Nishel at saka nagpaalam saakin.

"Sandali lang ma'am ha, titingnan ko lang kung sino yon baka sina sir na yon eh." Sambit niya saakin kaya tumango ako.

Syempre dapat nya lang buksan yung gate, alangan namang ako ang magbukas non eh kumakain ako.

Kain lang ako ng kain at malapit ko nanag maubos ang pagkain ko nang dumating si Nishel na may kasamang isang lalaki. Napansin ko lang na lalaki dahil sa suot niyang pantalon pero hindi ko naman na siya pinansin dahil busy ako sa pagkain ko.

"Errieca?" Naninigurado niyang pagkakatawag saakin kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bigla na lang bumilis ang kabog ng puso ko dahil nasa harapan ko ngayon ang crush na crush ko. Si Jerry my labs.

"H-hi Jerry." Nag-aalangan kong pagkakasabi sa kaniya. Jusko naman gumana na naman ang mga pokpok kong hormones dahil sa gwapong lalaking nasa harapan ko. Hihihihi. Ang pogi pogi talaga ng Jerry my labs ko.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon