CHAPTER 2

84 12 3
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Nakarating kami ng matiwasay sa bahay ni Lucifer.

Pero di pa ako bumababa ng car syempre ang prinsesang katulad ko na maganda ay dapat pinagbubuksan ng pinto. Nakalabas na si Kuya Gary at naibaba nya narin ang aking mga maleta. Iniintay ko nalang siya na pagbuksan ako ng pinto.

Ilang sandali pa ay binuksan na niya ang pinto. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya dahil ganito yung napapanuod ko sa TV na aalalayan ka bago ka bumaba ng car.

Pero ilang sandali pa ang tumagal pero hindi nya parin kinukuha ang kamay ko. Jusko.

"Ma'am ano po ginagawa nyo?" Takang tanong niya saakin.

Napahilamos nalang ako sa mukha ko dahil sa kagagahan na pinaggagagawa ni kuya. Jusko wala manlang alam sa buhay. Hindi manlang niya inabot ang kamay ko at inalalayan.

"Try mo kuyang nagzuzumba baka matuwa ka." Napairap nalang ako sa kaniya bago ako lumabas ng car. Hay nako.

Napamulaga nalang ako ng makita ko ang pugad ni satanas. Pero bigla akong nagtaka dahil kulay puti ang pintura ng bahay niya.

Ohhh no? Baka nagbabalat kayo lang tapos magiging mabait sayo sa una tapos sasaktan at papaasahin ka lang pala. Ganyang ganyan talaga sila.. pwe.. chararat lang.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nasurprise talaga ako ng bongang bonga.

"Halaaaa.. ay kainaman naman ohhh. Napaka angas... may sarili kayong ilog dito?" Tanong ko kay kuya Gary habang turo turo yung square na ilog nila. Sosyalin mga tiya sementado ang ilog nila dito.

"Nako Ma'am hindi po yan ilog. Swimming pool po yan dyan po naliligo sina sir Christoff." Napatango nalang ako dahil sa sinabi niya. Kung sabagay pwede nga namang magligo sa ilog, pwede ring maglaba at pwedeng pwede reng magjebs tapos lulutang yung ano hahahahh char charr.... excuse sa kumakain. Mas masarap pag may tae.. charr..

Lumakad na kami palapit ng bahay ng may lumabas dito na dalawang tao. Isang babae at isang lalaki.

Nakaakbay ang lalaki sa babaeng kasama niya. Hmmm sino kaya tong mga to?

Pero mga tiya ang fugi at ang gandang vavae nila ohhh.. mapapasana all ka nalang talaga. Kutis mayaman ang mga frenny. Samantalang ako ito sadyang maganda lang tapos dyosa.

Tumingin ako sa kanila at ngumiti naman sila saakin. Hmm?? close ba kami? Di ko sila kilala pero malay mo baka fc lang talaga sila.

Lumapit silang dalawa saakin pero nagulat ako ng yakapin ako ng babae.

"Ee--ehh teka lang po. Hehehe bakit parang ang bilis naman po ata. Yakap agad? Pwede pakilala muna kayo? Yung kunyare Hi I am dora, backpack backpack, I'm the map I'm the map. Swipper no swipping." Natatawang kulamas siya sa pagkakaakap saakin. Bago umayos ng tayo.

Ngumiti muna ito bago magsalita.

"Pasensyana iha naexcite lang ako, By the way I am Vanessa Villa Fuego and you can call me Tita Vanessa at ito naman ang Asawa ko si Christoff Villa Fuego you can call him Tito Christoff but I guess kilala mo naman siya dahil siya ang tumawag sayo kagabi." Nakangiti niyang pagpapakilala saakin.

Tumango naman ako sa kaniya. Syempre magpapakilala ako sa kanila bilang paggalang.

"Ako naman po si Errieca Mae Mallandi. Fresh and Beautiful." Ngumiti ako sa kaniya at nagbow pa na parang sa prinsesa.

Career na career ko talaga pagiging prinsesa.

"Sige pasok muna tayo sa loob para makapagpahinga ka narin." Yaya saakin ni Tita Vanessa. Luhh makatita nakss tiya ko? Tiya ko? Hahahha ewan. Ang wierd.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon