ANGELINE’S P.O.V.
“The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
Muli akong natigilan nang marinig kong muli ang response ng server.
“Babe, what if something happens to Errieca?” kinakabahan kong pagkakasabi kay Cedrick habang patuloy ko pa ding kinokontact si Errieca.
Dahil ilang beses ko nang sinusubukang tawagan si Errieca but she’s not answering my calls. Even Cedrick, he tries to contact her but just like me hindi rin siya sinagot ni Errieca at dahil don ay sobrang nag-aalala na ako. After kong makarinig ng malakas na ingay kanina sa kabilang Iinya during our call ay hindi ko na siya nagawa pang macontact. At dahil na rin sa boses ni Errieca na para bang umiiyak siya at may parang kung anong tinatakasan ay lalo akong nag-aalala sa kaniya. I’m trying my best na hindi mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasang hindi sumagi sa isip ko ang ganoong bagay. I can’t avoid myself from thinking negatives but I’m hoping that nothing bad will happen to her.
“Babe, please calm down. Isa pa malapit na rin naman tayo. Just continue calling her baka nawalan lang siya ng signal or what, baka maya maya ay sumagot din si Errieca.” Sambit ni Cedrick habang patuloy na nag-dradrive ng kotse. I know na nababahala rin siya but he’s doing his best to stay calm and focus because he’s driving this car at baka kung sakaling magpaapekto siya ay kami naman ang madisgrasya. Mabuti na lang at hindi ako ang nagdradrive ng kotse dahil kung hindi, ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
I can’t think straight this time dahil sobrang nag-aalala na ako. Patuloy ko lang siyang tinatawagan and even sending her messages but still I got no response. Pakiramdam ko anytime ay tatakasan na ako ng lakas ng loob dahil sa pag-aalala but I think this is not the right time for that. Kahit na nanginginig na ang kamay ko habang dinadial ko ang number ni Errieca ay patuloy din akong nagdadasal na sana ay okay lang si Errieca at walang masamang mangyare sa kanya. We've been great friends since we were kids up until now, and I can’t afford to lose her because she’s like a sister to me. Siya yung isa sa mga taong nasasandalan ko at napapagsabihan ko ng sama ng loob ko at sa tuwing may problema ako at hindi ako nakakatanggap ng kahit na anong klaseng panghuhusga mula sa kaniya. She’s been good to me from the very start and still nothing changed kahit na kung minsan ay may hindi kami pagkakaunawaan.
“Babe wala pa rin eh, she’s not answering my call.” Muling sambit ko kay Cedrick dahilan para hawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay. Mahigpit niya itong hinawakan para pakalmahin ako at saka sandaling tumingin saakin.
“Babe calm down, everything will be alright.” Sambit niya saakin.
Makalaan ang ilang sandali ay inihinto niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada at saka may kung anong kinuha mula sa bag niya. Nang makuha niya ang bottled water ay saka niya ito iniabot saakin.
“Here, uminom ka muna.” Inabot ko naman agad ang tubig at saka uminom. After that he hold my hands and look straight into my eyes.
“Babe, everything will be al…….”*ring*
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang biglang magring ang cellphone ko kaya agad akong napatingin sa cellphone na hawak hawak ko at halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang pangalan ni Errieca sa screen.
“B-Babe, E-errieca is c-calling.” Utal kong pagkakasabi habang seryosong nakatingin sa screen ng cellphone ko.
Nanginginig ako nang sagutin ko ang tawag ni Errieca at saka itinapat ko sa tainga ko ang aking Cellphone.
"E-errie-ca, are you okay?" Utal kong pagkakatanong sa kaniya. Ngunit imbes na boses ni Errieca ang marinig ko ay boses ng lalaki ang sumagot sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...