Chapter 14

43 9 0
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Jusko naman. Bwisit na Nishel yon. Hindi manlang sinabi saakin na sobrang dami pala niyang kailangang tapusin. Pagod na pagod ang pokpok kong katawan dahil sa kagagahan ng Nishel na yon. Pano ba naman sobrang dami kong ginawa. Yung listahan ng kailangang gawin ni Nishel grabe sobra sobrang dami, halos magkanda kuba kuba na ako dahil sa bwisit na Bryan na yon. Ang dami palang pinapagawa kay Nishel. Jusko hindi manlang naawa don sa pokpok na babaeng yon. Nagdilig ako ng mga halaman ni Tita Vanessa tapos nagwalis pa ako ng bongang bonga sa garden nilang napakalaki, tapos nagwalis pa rin ako sa loob ng bahay. Mapasalas, kusina, kwarto nila at sa kung saan saan pang parte nitong mansyon na to. Jusko mag-isa lang ako pero kung makapaglinis wagas. Hindi lang don natatapos ang lahat.  Naglaba pa ako ng mga damit nila, syempre sinama ko na yung damit ko no para naman makatipid ako sa sabon. Buti nalang at nandun si Manang Cony at naturuan niya akong gumamit ng washing machine kase kung hindi puro sugat na ang palad ko kakakusot ng damit.

Pero nakakatuwa kase hihihi. Nakita ko yung brief ni Bryan. Hahaha. Aamoyin ko nga sana kaso nga lang nandun si Manang Cony kaya hindi ko nalang ginawa baka sabihin sakin na ang baboy ko. Hihihi. Pero next time nalang. Pano ko nasabing kay Bryan yon? Ehh pano naman kase nakalagay sa bulsa ng pantalon niya. Hihihi siguro hindi niya naalis doon bago niya nilagay sa lamugan yung pantalon niya. Hihihi. Ang kyot pa naman nung kulay nung brief niya. Kulay red. Nakakatuwa. Hihihi. Ohh mga gaga kayo wag ninyo akong pinag-iisipan ng masama ha. Ngayon palang ako nakahawak ng brief sa tanang buhay ko kase nga mag-isa lang ako sa buhay kaya wag kayong ano at bibigwasan ko kayo ng lima. Hm.

Pero masaya naman ako dahil natapos ko lahat ng gawain ng gagang si Nishel. Pero kumusta na kaya yung inay niya? Hindi ko man sila kadugo pero syempre nag-aalala ako para kay Nishel at sa mga kapatid niya. Mahirap kaya maiwan ng taong mahal mo sa buhay. Parang kada araw eh binabangungot ka ng masasayang alaala na meron kayo. Isa pa magulang kaya ang pinag-uusapan dito.

Hapon na ngayon at ang pokpok na si ako ay nasa may ilog nila kasama si Bon Bon at si Bruce. Nakalublob ang paa ko sa tubig tapos gagaya sana si Bruce pero pinigilan ko siya kase nga nagsapatos siya kanina galing sa school yaks baka mangamoy yung tubig eh. Char. Baka kase mapasma yung paa niya eh, ganon kase ang sinasabi ng matatandang bulaan saamin sa probinsya na kapag nagsapatos ka wag na wag kang magbabasa ng paa dahil bad daw yon. Ewan ko pero wala namang masama kung sumunod diba?

Kaya eto ngayon katabi ko si Bruce habang pareho kaming nakaupo sa pasamano nitong ilog. Kaso nga lang paa ko lang ang nakababad sa tubig.

"Ate Errieca. You look very tired. Are you okay?" Agad akong napalingon sa paslit na katabi ko at saka bored akong tumingin sa kaniya.

"Alam mo oo, sobra akong pagod na pagod. Jusko yang kuya mo ha mabibigwasan ko yan ng lima. Abuso sa pinapagawa eh, samantalang iisa lang nmn ang gagawa. Nakakainit siya ng anit." Agad namang kumunot ang noo niya dahil sa mga kapokpokan kong sinabi  ewan ko sa batang to parang timang.

"Eh, bakit ikaw ang gumawa non? Where is Ate Nishel?" Napaismid nalang ako dahil sa sinabi ni Bruce nang muli kong maalala kung bakit ako ang gumawa ng mga gawain niya.

"Eh kase Bruce yung mama ng pokpok na si Nishel ay dinala daw sa ospital. Kawawa naman yung mama niya eh kaya ayon pinapuntahan ko na sa kaniya para naman may mag-alaga. At dahil wala dito sa bahay ang pokpok na yon ay ako na ang gumawa ng lahat ng gawain niya para naman hindi magalit yung aswang mong kuya  nako nakakatakot yon." Pagpapaliwanag ko sa kaniya na ikinatango naman niya..

Hindi ko alam kung bata ba talaga ang kausap ng pokpok na si ako. Kase naman para na siyang matanda kung mag-isip. Akala mo naman naiintindihan mga sinasabi ko eh, bigwasan ko kaya to ng lima.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon