ERRIECA'S P.O.V.
"Errieca, I'm really sorry. Nawala lang talaga sa isip ko. Hindi ko naman sinasadya eh. Please kausapin mo na ako. I'm really sorry."
"Che, pwede ba Blake tigil tigilan mo ako dyan sa kakasorry mo. Diba nga galit ako sayo? Hindi mo ba magets? Gusto mo bigwasan pa kita ng lima para magets mo na? Kanina ka pa eh. Sorry ka ng sorry dyan. Nangyare na di na yon mababawi ng sorry mo. Nakakainit ka ng anit eh." Pagtataray ko sa kaniya. Syempre nakakainis na sya eh. Kanina pa yan sorry ng sorry sakin. Dahil kesyo hindi nya daw sinasadya? Kesyo hindi daw niya naalala.
Bigwasan ko kaya to ng lima nang magtanda manlang? Nakakainis eh.
"Ate Errieca, just forgive kuya na. Kanina pa siya nagsosorry sayo right? Our teacher said, kapag daw nagsorry patawarin agad." Sabat naman ni Bruce. Iiyak na sana ako dahil sa lesson na sinabi niya pero nek nek nyang bata sya no? Hindi ako ganon kabilis mauto.
"Hoy, Bruce, hindi porket gwapo yang kuya mo ay bibigay na ako agad at papatawarin ko na agad siya. No no no. Pokpok man akong tao pero hindi ako easy to get no? Isa pa hindi rin ako mabilis mauto. Kahit umiyak pa yang kuya mo ng dugo bahala siya sa buhay niya. Pati yang teacher mong pokpok na yan, wag ka maniwala dyan kampon yan ni satanas, niloloko ka lang niyan. Kase nga budol yang pokpok mong teacher." Pagkasabi ko noon ay lumakad na ako papunta sa may garden pero dahil mga pokpok din ang magkapatid na yon ay sumunod pa sakin. Ang sarap nilang ipalapa kay Bon Bon ang kaso nga lang choosy si Bon Bon kaya wag nalang pala.
"So you admit that I'm handsome?" Nakangising sambit saakin ni Blake nang makaupo kami sa bench. Kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko, kase naman hindi ko kinaya yung kapal ng apog niya eh.
"Hooo jusko naman Blake. Maghunos dili ka. Jusmiyoperdones ka. Wala akong sinabing handsome ka no? Sobrang dami ata ng nahithit mong shabu at ang dami mo atang tinirang katol. Jusko ang kapal ng apog mo oy." Kase naman ang kapal talaga ng apog ng talipandas na lalaking to. Akala ko ulit ulit lang siya sa buhay pero makapal din pala ang pagmumukha ng isang to.
"But you just said na gwapo ako right?" Mas lumapad anh ngiti niya saakin. Kung may kutsilyo lang ako dito tinapyas ko na mga labi nyang talipandas na lalaking yan at ginawa kong sisig nakakastress eh.
"Oo sinabi ko yon. Pero hindi ko sinabing handsome ka no? Sobra ka naman ata, gwapo kana tapos aangkinin mo pa yung handsome? Aba naman magtira ka sa kuya mo, para naman si Kuya Bryan mo ang handsome."
"Okay sige sabi mo eh." Nakangiti niyang saad saakin. Jusko ang lakas talaga ang amats ng taong to. Kanina pa ngiti ng ngiti nakakaasar.
"How about me ate Errieca?" Malungkot na tanong saakin ni Bruce kaya naman napaisip ang pokpok na si ako. Napahawak pa ako sa baba ko para talagang mukha akong nag iisip. Bakit ba tinatamad akong mag isip no.
"Hmmm. Pangit ka Bruce." Maluha luha naman siyang tumingin saakin kaya ako napangisi.
"What? Pangit ako? Pero sina kuya gwapo and handsome?" May butil na ng luha sa kaniyang mata. Kaya naman kinabahan ang pokpok na si ako. Kase baka mapalayas ako dito.
"Ikaw naman Bruce, ang pokpok mo no? Ayaw mo patalo. Pangit ka nga kase, kase nga ampon ka daw. Hihihihi."
"Wwaaaaahhhhhh." Daredaretso na siyang umiyak dahil sa kapokpokang sinabi ko. Samantalang si Blake ay hindi rin alam ang gagawin para mapatahan ang pokpok niyang kapatid. Hahahahha. Ang saya talaga magpaiyak ng mga batang paslit. Nag eenjoy ang pokpok na si ako. Hahahaha.
"Hey Baby Bruce. Don't cry, don't believe ate Errieca okay? You're like us, ahm you're pogi. She' just kidding okay? Pati siya kase yung ampon diba? You heard her story right? That she was an orphan before? Hahahaha." Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi ni Blake sa kaniyang kapatid parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. Nakaramdam din ako ng biglang pagkirot sa dibdib ko dahil sa mga katagang sinabi ni Blake. Maging si Bruce ay natigilan na din sa pag-iyak at saka tumingin sa kapatid.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...