ERRIECA'S P.O.V.
Agad akong nakaramdam ng bongang bongang kaba nang dahil sa sinabi ni Bryan. Jusko naman. Nag-aalangan akong tumingin sa kaniyang mata dahil baka may muta ang kyot kong mga mata. Pero parang seryosong seryoso siya sa sinabi niya saakin.
"Did you do something in my wine?"
"Did you do something in my wine?"
"Did you do something in my wine?"
"Did you do something in my wine?"
"Did you do something in my wine?"Parang paulit ulit kong naririnig ang huling sinabi saakin ni Bryan at mukhang kinokonsensya niya ako. Jusmiyoperdones para siyang isda, nangongonsensya pa eh nakakainit ng anit.
"Hehehehe. Hala sya ohh, pinagbibintangan pa ako. Nako alam mo Bryan ang turo saakin ni Modear Minda dati eh wag daw mambibintang ng iba dahil bad daw yon. Hehehe." Pagpapalusot kong pagkakasabi sa kaniya. Pero tama naman yung sinabi ko ah, kase bawal naman talaga mambintang lalo na kapag wala kang ibidensya. Kase naniniwala ako sa kasabihan na "to see is to believe but got to believe in magic" ibig sabihin non pag nakita mo lang saka ka maniwala pero kung ayaw mo edi wag di ka naman pinipilit eh. Pake ko ba sayo?
"Errieca nakita namin ang CCTV video sa kwarto ni Kuya Bryan." Casual na pagkakasabi ni Bryan kaya naman agad na kumalabog ang pussy ko este ang puso ko dahil sa sobrang kaba.
"Wehh? May CCTV don? Nako Blake wag mo nga akong linlangin kase hindi mo ako malilinlang, kailangan mo pang kumain ng maraming palay bago mo ako malinlang, wag mo isasaing ha bawal madaya. At saka sa ganda kong to tapos ang prettyful ko pa pagbibintangan nyo akong hinaluan ko ng kung ano ano yung wine ni Bryan? Hindi no! Gumawa kaya ako ng bago tapos itinapon ko yung gawa ni Bryan kase ang pakla, ang pangit ng lasa. Kaya wag nyo akong pagbintangan na may ginawa akong milagro don sa wine ni Bryan. Kayo ha, ang naughty naughty nyo. Hehehe." Sambit ko sa kanila dahilan para mapanganga sila kase nga ang ganda ganda ko talaga. Hihihihi. Alam ko namang hindi nila matiis yung taglay kong alindog. Hihihi. Sigurado akong takam na takam na saakin si Bryan kase kung makatingin siya saakin para akong hinuhubaran eh. Hihihi. Ang naughty no? Pero kers lang kase maganda ay prettyful naman ako eh.
"What? Itinapon mo yon?" Hindi makapaniwalang saad ni Bryan saakin kaya parang nalukot ang mukha ko dahil wala na nahuli na ako kaagad. Huhuhu. Dapat sikreto ko lang yon eh. Hindi ko naman sinabi sa kanila yung ginawa ko. Jusko. Siguro maysa manghuhula si Bryan at si Blake? O di kaya maysa engkanto sila o di kaya ay maligno. Jusko nakakatakot sila.
"Hehehehe. Sorry na. Kase naman Bryan ang pokpok ng lasa ng wine mo. Jusko buti nga itinapon ko yon eh, kase wala ka nang ibang mabibiktima bukod saakin. Jusmiyoperdones marimar at juan, sobrang pangit ng lasa non tipong isusumpa ka nila dahil pinainom mo sila non. Mabuti nga iniligtas kita eh. Hehehehe. DARNA." Pagpapalusot kong sabi sa kaniya. Eh sa totoo lang tayo kase jusko napakapangit talaga ng lasa non. At kung sino man ang tumikim non ewan ko na lang sa kanila. Mabuti nga napigilan ko sarili ko nung tinikman ko yon eh kase baka nachukchak ko na si Bryan este baka nabigwasan ko na siya.
"Kahit na. You shouldn't do anything about it without my permission but..."
"Jusko naman Bryan sorry na nga eh, hayaan mo talo rin naman yung ginawa ko tapos kung iisipin mo matatalo ka rin naman kapag yon ang inilaban mo. Hehehe." Kamot ulo kong pagkakasabi sa kaniya kase pakiramdam ko may kuto ako eh kase ang kati kati.
"But thank you." Napakunot naman ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Jusko sabog ba sya?
"Hala sya. Bryan sabog ka ba? Nakasinghot ka ba ng katol? O di kaya ay sininghot mo ba panty ko? Ikaw Bryan ha, ang naughty mo hihihi. Hindi ka talaga magagalit? Eh samantalang kanina lang pagpasok mo ng door ng bahay ang seryoso ng mukha mo para kang mangangain pero okay lang naman kung ako kakainin mo kase prepared naman ako hihihi bagong ligo pa, kaya fresh na fresh ang tahong pero bakit ngayon nagthank you ka pa sakin? Jusko ang gulo mo." Reklamo ko sa kaniya kase naman hindi kos ya gets eh.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...