Chapter 15

40 9 0
                                    

BRYAN' P.O.V.

Umaga na ngayon pero hindi ko parin nagagawang makatulog and it is because of that stupid woman. Hindi ko makalimutan yung itsura niya habang umiiyak siya sa harapan ko. Pain is plastered in her face and you can even feel it just by looking at her eyes. Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako dahil sa mga sinabi ko sa kaniya but damn it is all her fault. She decide without even consulting me. She's really annoying.

Natigilan at napaisip din ako kagabi dahil sa mga sinabi niya tungkol sa mga pananaw ko sa mga kagaya niyang probinsyana. But it won't change the fact that I fucking hate promdi girls. I still hate them. They're so good in playing peoples' emotions and after they succeed they will do their plans. And I fucking hate them for being like that.

I took a deep breath and then close my eyes for a little more time.

Tumayo na ako mula saaking pagkakahiga dahil hindi ko rin naman magawang makatulog at saka umaga narin naman ngayon. I walk towards the bathroom and then take a bath. It is my usual thing in the morning and after that I dressed myself.

Hindi pa naman ako pupunta sa kompanya ngayong umaga dahil si Blake nalang muna ang pinapapunta ko. Mamayang hapon nalang ako pupunta doon to sign necesssary papers.

Nagtungo ako sa hapagkainan para mag-almusal ngunit tanging si Manang Cony lang ang naabutan ko roon na inaayos ang mga pagkain.

"Where are they?" Kunot noo kong tanong sa kaniya dahilan upang mapukaw ko ang kaniyang atensyon. Ngumiti ito saakin at saka naglagay ng tubig saaking baso.

"Si Blake kanina pa pumasok sa opisina, si bruce naman tulog pa tapos si Errieca pagkatapos niyang magluto nitong almusal bumalik na siya sa kwarto niya." Natigilan ako dahil sa sinabi saakin ni Manang Cony.

"She cooked?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

Tumango siya saakin at saka pilit na ngumiti.
"Hindi pa kase bumabalik si Nishel kaya yung mga bagay na dapat gagawin ni Nishel si Errieca na ang gumagawa. Katulad kahapon lahat ng kailangang tapusing gawain ni Nishel si Errieca ang gumawa." Malungkot na pagkakasabi saakin ni Manang Cony. I don't know but I felt guilty about the things I've done to her but its her fault any way.

"Its her fault so she must face the consequence." Walang kaemo emosyon kong pagkakasabi sa kaniya. At saka akmang susubo na sana ako nang magsalita si Manang Cony.

"Alam mo anak dapat hindi mo pinagsalitaan ng masama si Errieca kahapon." Paninimula niya saakin.

"Why? Are you going to defend her Manang Cony?" Casual kong pagkakasabi sa kaniya pero napailing lang siya saakin.

"Anak wala akong kinakampihan sa inyo ni Errieca. Ang saakin lang ay hindi mo dapat pinagsalitaan ng masasakit si Errieca. Dapat sinubukan mo munang alamin ang lahat bago mo siya hinusgahan ng ganon kaaga. Gusto mo bang malaman kung bakit niya pinagleave si Nishel?" Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya saakin. She's right. Dapat inalam ko muna ang lahat bago ako nagsalita kay Errieca.
Wala akong naisagot kay Manang Cony ngunit nagsimula siyang magkwento saakin.

"Noong isang hapon ay pinayagan mo na magleave ang ibang kasambahay Kahapon. Kaya kaming dalawa nalang ni Nishel ang nandito. Pero kahapon ay may hindi inaasahang mangyari sa ina ni Nishel. Sinugod siya sa ospital dahil inatake ang nanay niya ng sakit niya." Nakuha niya ang atensyon ko kaya tumingin ako sa kaniya.

"At dahil nga wala ang ibang kasambahay ay walang malapitan si Nishel, kase wala rin naman akong hawak na pera kahapon dahil naipadala ko na sa mga anak ko sa probinsya. Pero nalaman iyon ni Errieca ng hindi sinasadya na isinugod sa ospital ang nanay ni Nishel. Pinilit na papuntahin ni Errieca si Nishel sa nanay niya sa ospital para bantayan ito at maasikaso. Pero nung una ay hindi pumayag si Nishel dahil sa wala siyang perang gagamitin para sa pambayad ng bill sa ospital ng kaniyang nanay at dahil na rin sa mga maiiwan niyang gawain dito sa bahay. Pero nagpumilit si Errieca na pumunta si Nishel sa nanay niya para mabantayan ito. Si Errieca na rin mismo ang nagbigay ng pera kay Nishel, ang sabi ni Nishel saakin bago siya umalis ay binigay daw sa kaniya ni Errieca yung perang pinaghirapan niyang ipunin noon nasa probinsya pa siya bago siya magpunta dito at hindi rin daw pinapabayaran ni Errieca yon dahil tulong na daw niya yon kay Nishel. Hindi ko akalain na ganon kabuti ang kalooban ng batang iyon. Kaya nakakatuwa lang na isipin na may isa pang taong kagaya ni Errieca na kayang ibigay ang bagay na pinaghirapan niya para sa taong nangangailangan. At katulad nga ng sinabi ko kanina ay si Errieca na ang humalili kay Nishel para matapos ang lahat ng gawain na dapat gagawin niya." Para akong sinampal dahil sa mga narinig ko mula sa kwento ni Manang Cony. All this time ay hindi pala para sa kapakanan ni Errieca ang desisyon niya dahil para lahat yon kay Nishel. I just thought na pinapakailaman lang niya ako sa pagdedesisyon dito sa bahay, I have no idea about that.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon