CHAPTER ONE

445 14 2
                                    

Chapter 1:

"Magandang Umaga, Aling Linda!" kaway ko sa matandang nagdidilig sa bakuran niya. Kumaway naman ito pabalik nang makita ako at binaba ang hawak na watering can.

"Aba'y magandang umaga rin sayo, Lara!" sinilip nito ang dala ko kaya napangite ako. "Ano yang binebenta mo?" tanong niya kaya kaagad ko iyong itinaas para mas makita niya.

"Atsara po! Gawa sa bagong pitas na papaya!" sabi ko kaya natawa siya at lumapit sa bakod nila.

"Pabili nga Lara."

Kaagad akong lumapit sa kaniya at inabutan siya ng isang plastik. Original ko plano ko talaga ay ang ilagay yon sa parang crystal na container kaso wala pa akong budget kaya tiis tiis muna ako sa pagbabalot.

"Ang aga mo naman ata ngayon, Apo." aniya, tumawa lang ako at inayos ang mga paninda ko.

"Ganon talaga, Aling Linda. Kailangan kumayod eh!" sabi ko bago siya kawayan at iwan don para maglako pa.

Isa si Aling Linda sa mga suki ko dito sa bayan namin. Halos ata araw-araw ay bumibili siya sakin. Isa rin siya sa mga malalapit na tao sakin. Bukod kasi sa suki ko siya eh parang tinuring niya na rin ako na parang tunay niya na apo.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang mainggit sa mga nakakasabay kong bata na kasama ang mga magulang nila. Some of them were complaining about not getting a candy, while others were lucky enough to shop for toys and enjoy a meal together at a fast food place.

Ano ba ang pakiramdam ng may kinikilalang ina't ama? Mula pagkabata, namulat ako sa realidad na wala akong mga magulang na mag-aaruga at gagabay sa akin. Ang tanging nag-alaga sa akin ay si Lola, at siya na lamang ang naging sandigan ko sa lahat ng bagay. Ngunit kahit siya, kalaunan ay iniwan din ako, at masakit iyon.

Masakit, oo, kasi yung taong inakala mong hindi ka iiwan, iniwan ka rin.

Akala ko pa noon, si Lola na ang magiging takbuhan ko habangbuhay, pero nang mawala siya, lalo kong naramdaman ang bigat ng pagiging mag-isa sa mundo.

Mag-isa na lang akong pilit na namumuhay kaya todo kayod ako para mapakain ang sarili. Wala naman kasi akong kilalang kamag-anak o kadugo na pwedeng hingan ng tulong kaya laban kung laban ang peg ko ngayon.

Kapag hindi kasi ako nagtrabaho ay kakainin na ng small intestine ko ang mga large intestine ko dahil sa gutom. Tapos pati utak ko maaapektuhan!

"Lara!"

Napalingon ako sa parang kinakatay na parrot na tumawag sakin.

Nakita ko si Caily don, kaibigan ko, na kasalukuyang nagwawalis sa labas ng tindahan nila. Sobrang hinhin niya pa habang ginagawa yon kaya hindi ko napigilang matawa dahil alam kong strategy niya na naman yon para makasungkit ng mamimili!

"Anong nakain mo at bigla kang sinipag?" napahagikhik siya sa tanong ko at pinaupo ako sa upuang kahoy nila. Dala-dala pa rin ang walis niya.

"Talong ni Kiro!" nakangiting sagot niya na ikina-nganga ko. Tumingin tingin pa ko sa paligid dahil baka may makarinig!

"Bastos mo, Caily! " binatukan ko siya kaya napalayo siya ng kaunti sakin.

"Mas bastos ka tanga! Hindi ganon ang ibig kong sabihin no! " aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi mo talong ni Kiro!"

"Ibang talong ang tinutukoy ko dito, hindi yung pangkaraniwang talong na paborito ng mga babae. Yung talong na sinasabi ko ay yung masustansya, yung gulay na madalas na pinapakinabangan sa lutuin." giit niya at mas lalong niyakap ang walis nila. "Kasi kagabi, nagbenta ng talong ang Papa ng bebe Kiro ko, at bilang isang butihing future daughter-in-law, syempre bumili ako ng ilang piraso para sa pamilya ko. Napansin ko nga na parang nauumay na sila sa kakakain ng talong dahil halos araw-araw na yata nilang kinakain yun. Pero anong magagawa nila? Eh ako palagi yong inaatasan nilang bumili ng uulamin namin."

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon