Chapter 36:
"Introduce yourself palang yan Lara at Stan kaya kabugin nyo sila! Ipakita niyo sa kanila kung gaano kagaling at katalentado ang section natin!"
Bibong saad ni Ma'am Kikay kaya napatango na lang kami ni Stan at tumungo na sa mga kasamahan namin.
Nasa right side ng stage ang lalaki habang nasa left side naman ang mga babae.
Isa isa ng tinawag ang mga contestant kada section at year level hanggang sa nabawasan na ang sandamakmak na contestant at natira na lang ng kaunti.
Naging mabilis ang pag ikot ng oras dahil ilang minuto pa ay oras na namin ni Stan para tumungo sa harap at mag intro.
"I'm Laralinnett Antolo,"
" .... Stanniel Shutasizumoki,"
"And we are the HUMSS 11- 8 representative!" sabay naming saad ni Stan bago rumampa patungo sa likod.
Time float sprangly because in no time, I saw myself sitting in a chair again and patiently waiting for Riya to do the magic.
Kabadong- kabado ako habang mini-make up-pan ni Riya. Sports na ang susunod na category, technically... kailangan namin magsuot ng uniforms for our choosen sports.
"Pogi, nakakatunaw yang ginagawa mo." sabi ni Beauty kay Stan na kanina pa tapos ayusan at pinapanood na lang ako.
Nakasuot siya ng black jersey na may highlight na pula at may tatak na 'Shutasizumoki' sa likuran. Hindi rin mawawala ang paborito niyang numero don na kinse. Naka medyas rin siyang mahaba na termo sa jersey niya at sneaker.
Ako naman ay nakasuot ng pang cheerleader na outfit. Terno ang kulay nito sa suot ni Stan. May pompoms na rin ako na pula para matchy matchy.
"Pogi, wag mo ngang titigan! Namamawis siya oh. Kakatitig mo to eh!" mabilis na inikot ni Stan ang inuupan nang sitahin na naman siya ni Beauty.
Namumula ang magkabilang tenga nito kaya pasimple akong napangite at umayos ng upo para maayusan ng maayos.
"Oh, okay na! Wag ka munang maglilikot! Upo ka muna dito!" sabi ni Riya bago tumalikod sakin para ayusan ulit si Stan.
Naka pony tail ang buhok ko na nilagyan ng ka ek-ekan. May pa strand strand pa to na kulot sa harapan.
Nagpicture picture na naman muna kami nina Kahiya bago ako lapitan nina Papa na kanina pa nakamasid sakin.
"You're so lovely, Lara" sabi ni Tita Evangeline at inayos ng kaunti ang strand ng buhok ko. "You're indeed a cheer leader. You make us grow and glow in an instant."
"She's my daughter, Evangeline. Hindi na nakakapagtaka yon." pagmamayabang ni Papa kaya sumingkit ang mga mata ni Tita.
"You're always ruining the moment, niponggo. What an attention seeker!"
Nagsisimula na naman sila. Parang bata!
"Isa pang niponggo mula sayo Evangeline pakakainin na kita ng sandamakmak na monggo," banta ni papa kaya hindi nakaimik si Tita. Muli akong hinarap ni Papa at nginitian. "Ang ganda mo, nak."
Marahan lang akong ngumiti at inabot ang sandwich sa harap ko. Kanina pa ko nagugutom pero parang wala atang balak ang faculty na pakainin kami!
Ang alam ko pa naman ay naghanda na ang mga cookery students para sa events na 'to pero palisan na ang araw ay ni snack ay wala pa akong nalalamon mula sa kanila.
"Easy-han mo lang. Kumakalat ang lipstick mo," nasundan ko ang daliri ni Stan na dumapo sa labi ko. Inaayos niya ang nagkalat na lipstick non at inabutan ako ng tubig. "Drink a lot of water. You'll be needed that. Mainit sa court."
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...