Chapter 47:
CAILY'S POV ( Ultramega epal sa kwento na 'to)
Ilang linggo na rin ang nakakalipas mula nang mawalan ng malay si Lara at ilang linggo ko na ring hindi nakikita ang mga ngiti niya at ang bawat halakhak niya. Gusto ko ng marinig ang boses niyang mala ibong sinasakal.
At sa totoo lang? Namimiss ko na siya. Namiss ko na ang bawat sermon at sigaw niya. Namiss ko ng pangopya at huminge ng sagot sa kaniya. Pero wala eh... napahaba ang tulog ni ineng.
Baka yata nakipag meet up na yon sa Lola niya. Gaya ng mga pinapanood ko sa mga movie na kapag daw ang isang taong nawalan ng malay at ilang araw na hindi nagigising. Ibig sabihin non ay kausap niya ang mga mahal niya sa buhay na yumaong niya.
Pustahan, pinipilit na siya ng Lola niya ngayon na magising dahil marami pa siyang kailangang matutunan sa buhay pero itong shunga shunga kong bespren ayaw na dahil nasaktan na ng sobra.
Kung hindi ba naman kalahating gago tong shota niya ay baka sinipa ko na to palabas.
"Tingin tingin mo?" mataray kong tanong kay Stan na kanina pa nakamasid sakin.
"I should be the one asking that. You're skinning me alive." malumanay na sagot nito habang nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Lara na sleeping beauty ang peg ngayon.
Ang oily na nga ng face niya kanina, buti naisipan ko siyang i-skin care dahil kailangang healthy ang peyslalo niya kahit tulog siya.
Balak ko nga sana siyang i-make over para mas lalo siyang mag glow pero biglang pumasok ai Stan. Apaka epal! Buti nalagyan ko na ng lip balm ang mga labi ni Lara bago pa pumasok yung epal. Mahirap na at baka bigla siyang halikan ng prinsepe niya pero syempre nag spray muna ako ng mouth wash sa bibig ni Lara kanina. Yung mint flavor para fresh na fresh.
"Stop staring at me, Kaka. I'm done with it." sumusuko ng saad ni Stan na sandali akong tinapunan ng tingin.
"Aba, dapat lang! Kung nakakamatay lang nga sana tong tingin ko ay baka patay ka na ngayon sa harap ko."
"Oh, stop the hell crap people! Lara is resting. Have some respect." sigaw ni Kahiya na kakapasok lang ng room ni Lara kaya mabilis kong tinapon ang kinakain kong mansanas sa kaniya para patahimikin siya.
"Wag ka ngang sumigaw. Nakaka abala ka ng ibang pasyente! Baka biglang tumayo lahat ng patay dito dahil dyan sa boses mo. Malapit pa naman ang morgue dito." sabi ko kaya napatakip siya ng bibig.
"Really?" mahina ngunit may halo ng kahinhinang sambit ni Kahiya. "Oh, I'm sorry. I think I should take a seat."
"Gaga, sabi ko lang wag kang sumigaw. Hindi ko sinabing mag english ka! Myghod, my nose is bleedening." maarteng saad ko at tumayo na para magbalat ng mangga. Nagugutom ako. Ginutom ako sa kakaenglish niya.
LARA'S POV
"Alam mong pamilyadong tao, kinekerengkeng mo? Nasan ang utak mo? Wala na bang ibang lalaki dyan? Pa'no naging wala nga kami e di nga kami naghihiwalay, nakakaintindi ka ba? Sira ba ang ulo mo? Ikaw ang 'di nakakaintindi, malandi ka kasi. napaka kati mo. Malandi kang babae ka. Sinungaling ka. Sira ba ang ulo mo. Bobo ka ba."
Nagising ang buong diwa ko dahil sa tunog na narinig. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at humiga na parang fetus sabay takip sa tenga ko. Sandali akong narindi sa halo-halong boses na siyang bumungad sakin.
Naramdaman ko ang ilang pamamanhid ng puso ko nang pakiramdaman ko ito. Mahina na rin ang pagtibok nito kaya mahina akong dumaing para makuha ang atensyon nila.
"LARAAAAA!" gulat na sigaw ni Caily nang mapabaling sakin kaya nagsunod sunod na yung iba.
"Thanks god you're awake na!" bibong kumaway si Kahiya sakin na siyang nginitian ko lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/267383081-288-k205024.jpg)
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...