Chapter 37:
"Congrats po, Ate Lara."
"Salamat."
Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko habang naglalakad patungo sa classroom namin.
Pagkatapos kong sambitin ang apat na kataga non kay Stan ay parang kasing bilis ng hangin nagbago ang lahat.
Mag da-dalawang buwan na kami ni Stan bilang mag boyfriend-girlfriend. Dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula ng tanghalin kaming nanalo sa intrams.
It was fulfilling. I still remember every moment of that day. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa yon.
"Laraaaaaa! Ang galing niyo!" sabay akong niyakap nina Caily, Kahiya at Dysea nang makapasok ako sa room namin.
Gaya nila, may mga ngiti rin sila sa mga labi nila.
Umupo na kami sa mga upuan namin at don pinagpatuloy ang pag-uusap. Maaga pa lang kung kaya't kami pa lamang ang tao sa room. Nilabas ko ang ilang grahamball kong ginawa at binigay sa kanilang tatlo.
"Ang hirap ng exam na 'yon. Buti nakapasa!" nakangusong reklamo ni Kahiya.
"Stress na stress kayo eh hinulaan ko nga lang ang mga yon!" nakanguyang saad ni Caily. Mukhang proud na proud pa siya sa ginawa dahil may pagmamayabang sa boses niya.
"Stop blabbering. What important now is we passed." sabi naman ni Dysea na kanina pa nakatutok sa laptop niya habang kumakain ng grahamball.
Ilang araw ang nakakalipas ay nagkaroon ng biglaang exam sa school. Lahat kami walang kaalam alam na magkakaroon ng exam. Hindi kami handa kung kaya't hindi rin namin napaghandaan ang mga naging resulta ng exam na yon. Maraming di nakapasa at bumagsak.
Luckily and coincidence, Stan and I passed the exam. We even top it. Kaming dalawa lang yung nakatop sa section namin kaya puring puri silang lahat samin. Ang iba naman ay maraming side comments.
Kesyo magkarelasyon naman daw kami bat na-top pa namin. Hindi naman kasi porket may relasyon na kami ay pababayaan na lang namin ang pag-aaral namin.
We set time for ourselves. Naglalaan kami ng oras para sabay mag aral, gumala at enjoy-in ang buhay.
"Sorry. Kanina ka pa ba naghihintay?" balisang tanong ni Stan habang nakaupo ako sa bleachers. Umiling ako kaya napangiti siya. "Nagkaroon pa kami ng meeting mamaya para sa area meet. Mabuti na lang at natapos din agad."
Kinuha niya ang bag ko para bitbitin at inakbayan ako. Lumabas na kami ng campus at sumakay sa tricycle.
"Mukha kang pagod. Umuwi na lang kaya tayo?" tanong ko sa kaniya pagkatapos kong talian ang medyo may kahabaan niya ng buhok.
"Hindi ako pagod. Stress lang." tawa niya at sinandal ako sa balikat niya.
Hindi na ako ulit umimik hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Ginising niya lang ako nang huminto na ang tricycle sa palagi naming pinupuntahan. Ang turo-turo.
Mabilis akong bumaba sa tricycle at lumapit na sa ginang na palagi naming binibilhan. Sumunod si Stan sakin bitbit pa rin ang bag ko.
"Limang isaw po, tapos betamax! Tapos palamig na rin po!" nakatanaw na ko at pumipili ng kakainin. Ilang araw na rin kaming hindi nakakapunta ni Stan dito dahil busy siya sa practice.
Kapag nagkaka oras naman siya ay ako naman ang nagiging busy.
"Fries ba Lara, ayaw mo?" tanong ng Apo ni Ginang Mersing na si Alomi na nasa harap ng malaking kawali.
"Gusto po! Idagdag niyo na rin po yung fries tapos halo-halo dalawa."
"May palamig ka na nga nag halo-halo ka pa. Hindi ka kaya ubuhin dyan?" kamot batok na tanong ni Stan sakin habang nagtutuhog siya ng kwek-kwek sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...