Chapter 10:
"Wala ka yata sa mood, Lara? May nangyare ba?"
Hindi ko pinansin si Kahiya na nanggugulo sa harap ko at pinagpatuloy lang ang pang s-sketch ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.
"Hoy, g*go broken ka ba? Kung oo please lang magpakatino ka. Hindi kita pinalaking ganyan!" saad naman ni Caily pero nagpatuloy lang ako.
Wala akong pake kung magmukha akong tanga sa harapan nila, basta ang importante makatay ko si Aina Balyena sa isip ko.
"Lara? May graham ball ka pa ba daw sabi ni Roella ng kabilang section?" saka lang ako nabalik sa wisyo nang sumigaw si Chella na nasa pintuan ng room.
Umiling ako at ngumuso. "Sorry, wala na. Hindi ako nakagawa. Pakisabi bukas pa!" tumango naman siya at kinausap ang babaeng may headband sa labas na sa palagay ko'y si Roella.
Nagkanyang kanyang balik ang lahat sa kanilang mga upuan ng pumasok na si Ma'am Kikay.
Wala itong dalang libro at tanging maliit lamang na notebook ang bitbit.
"Good morning, class. May I know who among you has been a class president or vice president during your junior high?" tanong nito, at kalahati sa amin ang nagtaas ng kanilang mga kamay. Kasama rito sina Aina Balyena, Virgo, Kahiya, at Caily. "I'm asking because we need to elect officers now. It might be challenging to have a fair election since some of you may not know each other well, coming from different schools."
Tumalikod siya at nagsimulang magsulat sa blackboard. "Nonetheless, I need to submit names to the SSG, so we really need responsible people willing to take on the challenges and responsibilities that come with these positions. Let's start with nominations—who's up for President? Anyone?"
"Ma'am, I nominate Mr. Stanniel Shutasizumoki as a President." taas kamay na saad ni Caily kaya napatingin ang lahat kay Stan na kakapasok lang ng room.
"Uhm, sorry I'm late---- "
"It's okay, Mr. Shutasizumoki!" ani Ma'am Kikay at mabilis na isinulat ang pangalan ni Stan.
Kumuno't tuloy ang noo ni Stan hanggang sa makaupo sa tabi ko.
"Para saan 'yon?" nguso niya sa mga nakasulat sa blackboard.
"Nomination ng officers ngayon," sagot ko at ipinagpatuloy ang naudlot na pag s-sketch. "At malas mo dahil na-nominate ka."
"What?!" saad nito at napatingin sakin. "Sinong nag nominate?"
"Si Caily," nilingon ko siya at tinaasan ng kilay nang mapansing nakatingin pa rin siya sakin. "Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?"
He grimace and made a weird noise. "San banda?"
Nginitian ko lang siya at nakinig na sa harapan.
Punyem*s talaga 'tong hapon ba 'to.
"Ma'am, I nominate Mr. Cleo for President!" bibong saad ni Kahiya kaya tumaas ang kilay ni Virgo.
Napapalakpak naman sina Aina kaya nairap ako. Kung umasta akala mo girlfriend.
"I close the nomination!" sigaw ni Dysea na ikina thumbs up ni Kahiya.
"I second the motion!" sabi naman ni Laure.
Napangiwi tuloy ako at tumingin sa mga pangalang nakasulat sa Blackboard.
Stanniel Shutasizumoki at Virgo Cleo.
Wala man lang na-nominate na babae.
Tumikhim si Ma'am Kikay para makuha ang mga atensyon namin. "So, before we proceed to the voting, may I ask why you chose these boys as your presidents?" walang nagtaas ng kamay kaya inilibot niya na lang ang tingin hanggang sa tumigil iyon sakin. Kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ko ang siya namang pag ngiti niya ng matamis. "Ms. Antolo? May I hear your answer, please?"
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...