Chapter 22:
Marami ng tanga sa mundong inaapakan ko... pero hindi ko akalain na nabibilang don ang taong hindi ko lubusang maisip.
My father cheated on Evangeline Avalor just to be with my mother, Layra.
My mother, based on my father description, was a feisty woman. Madaldal at suwail minsan katulad ko.
It feel surreal...
Hindi ko inaasahang dadating ako sa puntong makikilala ko ang ina ko base sa kwento ng isang taong hindi ko rin inaasahang dadating sa buhay ko.
"Your mother is a badass, you know," sambit ni Mrs. Avalor ng nakangiti. "She almost punched me... good thing napigilan ni Lucan,"
"She was trained by Carolina," pigil ngiting sambit ni Sir Lucan.
Agad akong napa-ayos ng upo at gulat silang tiningnan. "Carolina?"
"Yep, Caily's Mother." Mrs. Avalor nodded, popping the 'p'.
Agad kumuno't ang noo ko at humalukipkip sa harap nila.
"Warfreak ba sila?"
"Si Carolina lang noon.... kaso naimuwensyahan si Layra kaya napasama." Sir Lucan shrugged.
Ngumuwi ako. Alam ko na kung saan nagmana si Caily.
Dito sa barangay... wala ng humaharang kela Tita Carolina. Masiyado silang takot, at ngayon alam ko na kung bakit.
Dati marami pang tumatambay at nangungutang sa tindahan nila tuwing gabi pero ngayon wala na.
Pano ba naman, sinuntok niya ang lasinggerong ilang taon ng hindi pa nagbabayad ng utang sa kaniya.
Halos hindi na makilala ang lasinggero dahil sa tindi ng mga suntok niya, muntik na nga siyang makulong non. Buti agad naagapan ng Kapitan ng aming barangay na kaduo niya pala sa madjungan at tong its. Langya.
...
"Babye, Ate Lara! See you tomorrow!" mabilis akong niyakap at hinalikan ni Remy sa pisnge nang magpaalam na sila.
Sunod na lumapit sa akin ay si Mrs. Avalor na agad akong niyakap at tinapik sa balikat. "I see you tomorrow, Lara. Oh my god, I'm excited to baked with you tomorrow."
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.
Isa ako sa rason kung bakit nasira ang perpektong pamilya na itinayo nila para kay Remy...
Naaalala ko pa ang sinabi ni Mrs. Avalor noon. Akala ko simpleng mga salita lamang iyon, huli ko ng napagtanto na iba pala ang ipinapahiwatig non.
'Hindi ko lang kasi natanggap noong una na may anak na pala siya sa ibang babae.'
Naghiwalay silang mag asawa dahil sa akin. Walang kinilalang ama si Remy noon dahil sakin. Dahil saking bunga lamang ng isang pagkakamali.
Pero hindi ko lubos maisip kung bakit mabuti pa rin ang pag trato ni Mrs. Avalor sakin kahit na ako ang dahilan kung bakit sila nasira.
She gave me work, financial needs, groceries... and even got me a scholarship.
While me?... I just ruin her fam unintentionality.
Nabunutan na ng tinik ang puso ko. Ang ginhawa na... wala ng puot at pagkamanhid.
Tinapik ni Sir Lucan ang balikat ko bago ako niyakap. "Pag-isipan mo ng mabuti, Lara."
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...