Chapter 33:
"LARA, BUMILI KA MUNA NG GATORADE DON SA LABAS! NAUBUSAN TAYO NG STOCK. IKAW MUNA BUMILI DAHIL WALA KA PA NAMANG GINAGAWA!"
Tango lang iginawad ko sa bago naming class president na hindi na alam ang gagawin. Siya yung pumalit sa pwesto ni Virgo.
Kanina pa siya natataranta. Hindi niya na alam ang gagawin niya. First Day ng intrams ngayon at kanina pa nagsimula ang mga palaro.
"Lara, san punta mo?" tanong ni Caily nang makita akong papalabas na ng room.
"Bibili ng gatorade."
"Ay, mabigat yan!" saad niya bago lingunin si Stan na masayang kinakausap ang pamangkin ni Mrs. Kikay na maharot!
Kanina pa umiinit ang ulo ko kakatingin sa kanila. Kung hindi lang ako inutusang bumili ng Gatorade ay baka natapunan ko na ng chalk ang pwesto nila.
Mga haliparot!
Dito pa talaga sa room naglalandian!
Tas itong si Stan sayang saya naman!
"Kumalma ka ngang g*ga ka. Ang init init na nga ng panahon dumadagdag ka pa sa temperatura," sabi ni Caily kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Talagang dadagdag ako sa temperatura! Ang lalandi! Hindi man lang nilulugar!
"Aba Lara, ki kupad kupad!" mas lalong tumaas ang kilay ko nang makita si Pres na nakapamewang sa harap ko. May hawak na itong pamaypay bago lingunin ang pwesto ng mga mahaharot! "Stan, samahan mo nga 'tong si Lara sa labas! Baka hindi niya mabitbit lahat ng gatorade." sigaw niya kaya napaayos ako ng tayo.
Para akong batang binigyan ng candy dahil sa narinig. Minsan may ambag talaga tong si Pres sa buhay ko. Dapat siyang tularan.
"Can I come too? I'm willing to help!" pagbubuluntaryo pa nong pamangkin ni Mrs. Kikay kaya nawalan na naman ng kulay ang mukha ko. Tang*na to ah.
Ayaw humiwalay. Para na siyang linta!
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Pres at lumabas na sa campus para bumili ng gatorade. Ang dami dami pa non kaya pinalagay ko pa sa isang malaking plastik. Buti nagkasya! Bumili na rin ako ng malalamon ko dahil nagugutom ako. Good thing may dala akong pera kung hindi para na akong tutang iniwan dito.
I was having a hard time carrying those plastic when I saw Stan approaching. At kung minamalas ka nga naman, kasama niya pa yung tarsier.
Lumiko ako para iwasan sila pero nasundan pa rin ako! Ilang liko na ang ginawa ko para takasan sila pero sunod pa rin sila ng sunod!
Naaawa na tuloy ako sa mga player naming iinom ng gatorades na to!
"Ay mama mo nakashabu!"
Napaupo ako sa sahig nang mabunggo ako sa isang mama na matangkad. Nakasuot ito ng kulay asul na jersey at may hawak na bola ng volleyball.
"Miss, okay ka lang!?" taranta niyang tanong kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Ikaw kaya ang mabunggo sa isang katawan na kasing tigas ng pader. Sinong magiging okay don?!"
"Kalma lang! Ang ingay ingay mo naman. Baka akalain ng ibang estudyante sinasaktan kita!" kamot batok sa aniya kaya lalong sumingkit ang mga mata ko.
"Hindi pa ba!?" sikmat ko bago ituro ang paa ko. "Tinatapakan mo ang paa kong yawaaa ka!"
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umabante.
"Sorry, miss, sorry!" halos mangiyak ngiyak niya akong dinaluhan at dinala sa clinic.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...