Chapter 20:
Tulala akong nakatingin sa kawalan. Pilit pa ring pinoproseso lahat ng natuklasan. Hindi lahat naging madali para sa akin ang nalaman kaya ang trabahong pag tu-tutor kay Remy ay agad kong hininto.
Kinakailangan kong makapag-isipin ng maayos at magagawa ko lang 'yon kapag malayo sila sa akin.
Para akong tinamaan ng malaking asteroid mula sa kalangitan dahil nagkaroon ng malaking epekto ang lahat sa buhay ko.
Ilang beses na rin akong nakarinig ng malalakas na pagkatok sa labas pero hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong nakahiga at tulala.
Tinadtad na rin ako ng text nina Stan at Caily pero hindi ko man lang iyon naggawang tingnan. Pakiramdam ko kasi ay ubos na ubos na ako. Nanlalambot ang katawan ko, hindi na rin maproseso ang utak ko.
Ika'y parte ng pagkatao ko, Lara. Ikaw ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Layra. Ikaw ang batang dati ko pang hinahanap, anak ko.
Pumikit ako ng mariin at mas lalong sinubsob ang yakap yakap na unan sa mukha ko.
Kinunan nila ako ng DNA ng hindi ko nalalaman. Sinubukan nilang magpaliwanag pero tila sarado na ang isipan ko. Hindi ko na lahat maproseso.
Kinabukasan pumasok ako sa paaralan ng parang walang nangyare. Naka plaster na rin ang ngiti sa mga labi ko.
Kinawayan ko ang mga kaklase kong may kanya kanyang mundo at umupo sa tabi ni Stan na kuno't noong nakatingin sakin.
"Okay ka na?" napalingon ako sa kaniya at taka siyang tiningnan.
"Matagal na akong okay,"
"You can't lie to me, Lara. Kalat na sa buong barangay ang nangyare," aniya, ilang beses akong napalunok at napakagat sa labi ko.
Ano pa bang aasahan ko eh puro chismosa mga kapitbahay ko? Lahat ng mga nangyayare hindi nila pinapalampas. Para silang CCTV na palaging nakabantay sayo.
Inilabas ko ang papel ko at nagsimula ng mag doodle. Pampalipas oras dahil wala pa ang guro. Nang mayamot sa ginagawa ay sumubsob naman ako sa mesa ng inuupuan ko.
"Lara, sandwich?"
Napakurap-kurap ako nang may bumungad na sandwich pag lingon ko. Egg Sandwich 'yon, paborito ko.
Tiningnan ko nang masama si Stan at inilingan.
"Ayoko,"
Tinaasan niya ako ng kilay at mas lalong inilapit ang sandwich sa harap ko. "Masamang tumanggi sa grasya--- "
"Ayokong tumanggi," agad kong kinuha 'yon sa kamay niya. Ngumiti naman siya at mabilis na ginulo ang buhok ko.
Kumuha siya ng panibagong sandwich sa bag niya at kinain rin 'yon. Inabutan niya ako nang choco milk drink na hindi ko rin tinanggihan.
Masama nga daw tumanggi sa grasya tsk balak ko pa naman sanang magpaka emo ngayon dahil pakiramdam ko wala ng dugong dumadaloy sa katawan ko sa sobrang manhid na nararamdaman ko pero dahil sa isang pagkain lang ay hindi ko na natuloy.
"Ang dami mo namang pagkain!" saad ko nang maglabas na naman siya ng ilang cup noodles. Pinangtatapon niya pa 'yon sa pwesto nina Kahiya, Dysea at Caily. Para tuloy siyang nagkakandidato.
Buti na lang talaga at wala kaming klase ngayon dahil may program na ginagawa ang ilang lower level.
"May cup noodles pero walang mainit na tubig! Paano natin kakainin 'to?" tanong ni Caily.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...