CHAPTER THIRTY FIVE

36 3 0
                                    

Chapter 35:

"Come on, Lara. Smile!"

Pilit akong ngumiti sa kamerang nasa harap ko. It's Friday, third and last day of Intrams.

Ibig sabihin, ngayon gaganapin ang pageant. Kung dati kampante pa ako, ngayon hindi na.

Lahat ata ng kinain ko kaninang umaga isusuka ko. Ganon ang nararamdaman ko ngayon!

Gusto kong ibalik ang kahapon kesa sa araw ngayon!

"Lara, ngiti! Para kang natatae ryan!" tiningnan ko ng masama si Caily na siyang may hawak ng camera ngayon.

Tawa tawa siyang nagc-click ng camera habang ako parang kakawala na sa hawak nina Papa at Tita Evangeline. Family picture daw to kaya dapat hindi pilit ang ngiti.

"Ang peke naman ng ngiti mo, Lara. Wala na bang mas ikakaganda yan?"

Halos patayin ko na si Caily dahil sa pinanggagawa niya. Lahat na talaga ng kaepalan sa buhay sinalo niya.

Pagkatapos ng family picture ay umupo na ako sa harap ni Ryu o mas magandang tawaging Rya, na may hawak hawak ng brush. Kasama niya si Beauty na pumipili ng lipstick sa make up kit.

"Bat... bat ka nga pala nagnanakaw nong una tayong magkita? Ginusto mo ba yon?" alam kong hindi ito ang tamang oras at tamang lugar para itanong yon pero hindi ko na talaga mapigilan.

"Hindi," pilit siyang ngumiti. "Hindi ko ginusto 'yon. Kahit kailan hindi ko ginustong magnakaw dahil alam kong mali 'yon. Gusto ko pang paghirapan ang perang nilulusta ko... pero si Papa? Ayaw niya, gusto niyang magnakaw ako para mabilis ang pera. Gusto niya lahat minamadali."

"Paano kapag nahuli o nakulong ka dahil sa pinapaggawa niya sayo?" tanong ko habang naka angat ang panga ko.

"I asked him once about that. Pero alam mo ba kung anong sagot niya?" umiling ako kaya nakapa ngise siya. "'Hahayaan kitang mabulok sa kulungan. Hindi kita tutulungan dahil una pa lang hindi ko na ginustong magkaroon ng anak na katulad mo. Anak na paminta at kinakahiya ng lahat.'" 

Yumuko siya ay pinaglaruan ang mga kamay niya. "Mula noon tumatak na sa utak kong magpakalalaki dahil 'yon ang gusto ni Papa pero kahit anong pilit ko, nababaliko pa rin ako. Pagod na akong magpanggap bilang isang lalaki. Pagod na pagod na akong ituwid ang kasariang kahit kailan hindi ko na maitutuwid."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at nginitian siya ng marahan. "Alam mo? Magkatotoo ka. Masarap sa pakiramdam yung pinapakita mo yong totoong ikaw at hindi yong peke. Hayaan mo silang pag-isipan ka ng kung ano ano basta alam mo sa sarili mong malinis ka."

Sa mundong ginagalawan natin. Bihira na lang ang mga taong totoo sa sarili nila. Ang iba, pilit na iniiba ang kaanyuhang gusto nila dahil sa pananaw ng mga tao sa paligid nila.

Hindi nila maggawang hubarin ang suot nilang maskara dahil natatakot sila sa panghuhusga ng iba.

Nabubuhay silang may takot. Nabubuhay silang hindi open para sa sarili nila.

Dumukot ako ng dalawang barya sa bulsa ko at pinakita sa kaniya.

"Alam mo? Ang piso at lima ay magkaiba ang halaga ngunit ito'y parehas na pera.  Kapag pinaghati ito'y pantay lamang. Parang tao, iba iba man ang kasarian ngunit iisa lamang ang ating pinagmulan."

Nang matapos akong ayusan ni Rya ay tumungo na ako sa CR kasama si Caily para tulungan ako sa damit ko.

Good thing maayos na yong CR namin ngayon at hindi ko na kailangang lumabas. Hindi kagaya noong unang pasok ko sa paaralan na 'to, sira at inaayos pa lang. Thou hindi ako nagsisi ng mga panahon na yon dahil kung hindi dahil sa CR na yon, hindi ko makikilala ang isang taong maayos sa labas kung tingnan pero wasak naman pala sa loob. Hindi ko pinagsisihang nakilala ko si Virgo.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon