Chapter 46:
"Niponggo, bilisan mo ang pagkabit niyan. Madami ka pang ikakabit!"
Pigil tawa ako habang nakatanaw kay Papa na nagkakabit ng christmas decor sa sala.
"Isa pang sigaw mula sayo Evangeline, ikaw na talaga ang isasabit ko dito." pabalik na sigaw ni Papa kaya napahalakhak na ko at tumayo na pagkatapos ikabit ang mga decoration sa christmas tree.
Medyo may kalakihan at kataasan din yon kaya natagalan ako sa pagkabit. Buti na lang tinulungan ako ni Remy na kanina pa nagdadabog dahil hindi raw siya nirereplayan ni Pisces.
May ganon? Mga bata nga naman.
Haysttt. Christmas break ngayon. Pero may Christmas Party pa kami bukas sa school kaya excited ako.
Sino ba naman kasi ang hindi maeexcite kung boyfriend mo yung nabunot mo sa exchange gift? Kahit wag ko ng bigyan ng regalo yon. Pero pwede namang kiss na lang. O di kaya laplap? Para mas madami? Pero baka isipin ni Stan na hayok ako sa halik niya? Pero hindi naman siya yung magkikiss eh ako naman? Pero baka ampangit tingnan. Kasi bilang dalagang pilipina dapat kalmahan ko lang ang kalandiang tinataglay ko.
"What's bothering you, Lara?" tanong ni Papa na umupo sa harap ko para sandaling magpahinga mula sa walang katapusang utos ni Tita Evangeline.
Kalandian ko po. "Wala po. Naisip ko lang ko lang yung sakit ko."
"Don't worry too much, Lara. We are doing our best to find some antidote to your agony." seryosong saad niya kaya napalabi ako.
May gamot din kaya para sa kalandian na meron ako? Sana meron. Baka kasi bigla ko na lang matuklaw si Stan bukas.
"Anyway, are you still taking your meds and treatments? Sinasamahan ka ba ng Tita Evangeline mo? I’m sorry I can’t be there for your treatments; I’ve been so busy with my projects. But I promise I’ll do my best to find some time to be there fir you." sincere na pahayag ni Papa na tinanguan ko lang at nginitian.
Kasi alam ko... na tinutupad talaga ni Papa ang bawat pangako niya. Kahit na tinatago niya pa rin sakin ang katotohanang nasa pilipinas na ang totoo kong ina.
"Lara, baba ka. May ipapakita ako sayo." basa ko sa chat ni Stan kaya tinanaw ko sina Papa na bumalik sa pag de-decor at kumaripas ng takbo palabas ng bahay sabay tungo sa harden kung saan naghihintay si Stan na may dalang dalang gitara.
"Anong ipapakita mo?" agad na tanong ko pagkaupo ko sa harap niya.
"Wala man lang hi o hello?" pagrereklamo niya kaya pairap ko siyang tinawanan.
"Kung ang abnormal na tulad mo lang naman ang babatiin ko. Aba, wag na lang."
Sinamaan niya ko ng tingin. "Ah ganyan? Sige. Makauwi na nga." tumayo siya at akmang aalis na ng pigilan ko ang braso niya.
"Mahal ang gasolina ngayon. Hindi ka ba nakokonsensya o naaawa sa sasakyan mong nagtiis para lang maihatid ka? Nakapinsala pa kayo ng mga pananim dahil sa usok na nagmumula sa sasakyan mo." seryosong saad ko kaya mabilis na nagsalubong ang kilay niyang hinurma talaga ng perpekto ng diyos.
"What are you saying?" tanong niya kaya ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Yung kasing tamis ng asukal at tinapik tapik siya sa balikat.
"Ang sinasabi ko. Umupo ka ulit sa harap ko bago pa kita gawing dekorasyon sa christmas tree na iniwan ko sa loob para lang makita ka."
Pagkasabi ko non ay muli siyang umupo sa harap ko at walang imik lang akong tiningnan.
"Ehem!" tumikhim ako kadahilanang nai-ilang ako sa titig niyang parang binabalatan ako ng buhay at matapang na inilahad ang kamay ko sa harap niya na parang bata na humihinge ng baon sa tatay niya. "Asan na yung ipapakita mo?"
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...