Chapter 27:
"Buntis ako, at si Kiro ang ama ng dinadala ko!"
Napahagikhik kami nina Kahiya habang nakatanaw kay Caily na todo ang acting sa harap ng bahay nina Kiro na nakabukas na.
Naka bisteda pa ang g*ga kaya parang pani-paniwala. Nagsimula na tuloy magbulungan ang mga chismosa sa paligid.
"Aba, Caily hindi ako makapaniwalang pinatulan ka nitong anak ko!" muntik ko ng maibuga ang candy sa bibig ko nang sabihin iyon ng nanay ni Kiro.
Nakapamewang pa iyon habang katabi si Kiro na namumutla na at ang asawa niyang mukhang proud na proud pa.
"Sino ba naman ang hindi papatol sa isang katulad ko, Aling Kunal!"
"Ang anak ko syempre!"
"Nabuntis niya na nga ako," mataray na pahayag pa ni Caily sabay himas sa tiyan niyang hangin ang laman.
"Sigurado ka bang anak ko ang ama niyan?" birit pa ni Aling Kunal, ang nanay ni Kiro na pinaglihi ata sa sampalok dahil sa katarayan.
"Gusto mo ng proof, Aling Kunal?" ngumise si Caily at mabilis na inilabas ang kanina niya pa tinatago sa likuran niya. "Oh!"
"What the fvck?"
Nahimatay si Aling Kunal! Umaygas!
"Kunal! Ba't sa kanal ka pa talaga nawalan ng malay?!" reklamo nong tatay ni Kiro bago alisin ang pang itaas na katawan ni Aling Kunal na na-shoot sa kanal!
"B-Bat na sayo ang brief at boxer ko!?" utal na tanong ni Kiro pero ngumiti lang si Caily at pinakita ang 'kaumbukan' daw ng tiyan niya.
"Father-in-law..... naniniwala na po ba kayo?" nag pa puppy eyes si Caily. "Magkaka apo na kayo,"
"Nakakagulat, ija... " napakurap kurap ang Tatay ni Kiro at tiningnan ang tiyan ni Caily. "Ilang buwan na 'yan, ija?"
"Mag dadalawang buwan ho,"
Pfftttt! Sira*lo talaga 'tong Caily na 'to.
"Ang galing mag acting ni Caily... pwede na siyang sumali sa Drama Club," bulong ni Dysea.
"Para siyang totoong buntis," bulong naman ni Kahiya kaya mas lalo akong natawa.
Nang makitang hindi pa rin naniniwala ang tatay ni Kiro ay ngumuso na si Caily at bumuntong hininga.
"Kung ayaw niyo pa rin hong maniwala gaya ni Aling Kunal ay pwede ko naman pong ipakita sa inyo ang litrato ng anak niyong naka hubat bar-----"
"Huwag na, ija! Naniniwala na ako! Halika't pumasok sa loob para makapag usap tayo ng masinsinan," kaagad na saad nito bago singkitan ng tingin ang anak na parang nag lo-loading pa rin sa nangyayare. "Kiro, alalayan mo ang magiging asawa mo!"
"P-Po?!" nanlaki ang mata ni Kiro at akmang tatanggi na ng mas samaan siya ng tingin si Ama. "Opo!"
Bago pa sila makapasok ay nilingon pa kami ni Caily at sinabihan ng kung ano nang walang tunog. Binasa namin ang bawat salitang sinasabit niya hanggang sa bumuo ito ng pangungusap na...
'Guys I'm getting mermaid!'
CAILY P.O.V ( First Time )
"Ano na namang katarantaduhan 'to, Kaka?" bulong ni Kiro mah labs habang inaalalayan ako papasok sa bahay nila.
Pasimple kong kinawayan sina Lara na nakasilip lamang sa mga kaganapan at nagpatangay na kay Kiro mahabs na shock na shock pa rin sa nangyayare!
Oh, kay sarap mabuhay! ~
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...