Chapter 3:
Nang sumunod na araw ay halos mangiyak ngiyak akong nakatingin sa salamin. Yung bukol ko, malaki na.
Kasalanan to ni Stan eh!
"Bagong pauso ba yan bes? " tanong ni Caily sakin habang nakatingin sa bukol ko. "Bagay sayo." dagdag niya at tumawa pa ng malakas kaya mabilis kong inabot ang suklay sa tabi ko at tinapon sa mukha niya.
"Ba't ka ba andito?" tanong ko habang inaayos ang bangs ko upang takpan ang bukol ko.
Magtitinda pa naman ako mamaya, kaya nag-aalala ako na baka hindi sila bumili pag nakita ang bukol ko. Naiisip ko pa lang na haharap ako sa mga kustomer na may ganito kalaking bukol sa noo, parang gusto ko nang magtago na lang sa bahay.
Para kasi akong isda na may bukol! Yong Flower Horn ba yon? Ang hirap naman nito. Nag-aalala ako na baka matakot o maasiwa ang mga mamimili sa hitsura ko.
Si Caily, sa kabilang banda, ay tumingin sa akin nang maarte. "Hindi pa ba obvious? Sasamahan kita sa pagtinda!" nakapamaywang pa siya habang pinagmamasdan ako, para bang sinasabi niyang wala akong karapatang magdrama ng ganito. Napaismid siya at tila hindi makapaniwala sa iniisip ko. Para bang iniisip niya na, 'Ano ba, hindi naman seryoso 'yan. Magtinda ka na lang at huwag mong intindihin ang bukol na 'yan.'
"Luhh sungit mo. Epekto ba yan ng bukol mo?" taas kilay niyang tanong nang irapan ko kaya inabot ko ang flower vase sa gilid at ipinakita sa kaniya 'yon.
"Lagyan kita ng bukol gusto mo?" para naman ket papaano ay matchy matchy kami.
"Sungit! May regla ka?" tanong niya kaya napatigil ako sa pag ayos ng bangs ko.
"Siguro?" hindi ako sigurado. Pero feeling ko meron na. Nakakaamoy kasi ako ng malansa?
"Tingnan mo nga!" tinulak niya ako patayo. Tumalikod naman ako sa kanya para makita niya.
"Meron ba?" tanong ko, baka kasi may tagos.
Nakakahiya 'yon. Naka white short pa naman ako.
Magmumukha akong siopao niyan!
"Wala naman," sagot niya nang makitang nagtataka ako sa amoy sa paligid.
Ngunit hindi ako napapakalma. "Pero nakakaamoy ako ng malansa!" giit ko pa, habang tinitingnan ko ang pwetan ko sa salamin, parang may masusumpungan akong dahilan sa hindi maipaliwanag na amoy.
Hindi mapigilang tumawa si Caily at sinabing, "Yung CR ng kapitbahay mo, teh. Kanina ko pa nga naaamoy 'yan. Nagreklamo na nga ako sa kanila, pero inirapan lang ako. Minsan talaga, nakakairita. Maattitude na chismosa."
Bago pa ko makasagot ay bigla ng sumigaw ang kapitbahay namin. "HOYYY MGA INENG NARIRINIG KO KAYO!"
Napahagikhik kami ni Caily sa reaksyon ng kapitbahay. Talas ng pandinig, e ang tanda naman na. Nasa menopausal stage na kasi siya, kaya baka nga pati pandinig niya ay naging mas sensitibo sa mga chismis na nagmumula sa paligid.
"Nga pala, balita ko nakahanap kana ng trabaho?" tanong niya habang nagpupulbos.
Ang bilis talaga ng pagkalat ng balita dito sa bayan namin, hindi na ako nagtaka sa totoo lang.
Sa dami ng chismosa feeling ko may CCTV sa bawat sulok ng bayan. Kahit saan ka lumingon, makikita mong may nakabantay sayo at saan ka man magpunta, parang may nagmamasid sa bawat galaw mo, kaya hindi na ako magtataka kung anumang oras ay malaman nila ang mga personal kong bagay.
Kahit simpleng paglabas ko lang na naka-skirt, nagiging malaking isyu na sa kanila. Parang kapag nakita nila akong lumabas ng ganito, agad na nila itong pinapalabas sa kung anu-anong kwento. Kapag nagkataon, baka ang susunod na chismis ay kung buntis na ako, kahit wala namang basehan o katotohanan.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...