Chapter 48:
"Lara..."
Nanatili akong nakatulala habang katok pa rin sila ng katok sa labas.
It’s been a month since I learned everything. It’s also been a month since I locked myself away in my room.
Sa loob ng isang buwan... dalang na lang ako makakita ng liwanag. Para na kong walang buhay dahil hindi na ko nasisikatan ng araw. Kahit pagligo, pagkain at sa pagtayo ay tinatamad ako.
Tinatamad ako sa lahat ng bagay. Gusto ko lang humimlay ng humimlay at hintayin ang sarili kong mamatay.
I missed new year. I spent my christmas and new year cutting my life... pero may lahi ata akong pusa dahil tuwing tinatapos ko ang buhay ko ay may nangyayareng himala.
"Laraaaa, si Kaka 'to. Buksan mo ang pinto, please. Dinalhan kita ng marami maraming pagkain! Nagdala rin ako ng maraming DVD kasi manonood tayo nong inii-stan nating hollywood star!"
Stan.....
Wala rin siyang paramdam. Hinintay ko siyang dalawin o hanapin ako pero umasa lang pala ako.
Natawa ako. Masiyado kaming napaglaruan ng tadhana.
Paano niya nga pala ako madadalaw kung nandidiri na siya sa relasyon namin?
Magkapatid kami.... sa mata ng mga tao at sa mata ng dyos, isa iyong kasalanan.
"Sige ka.. pag hindi mo to binuksan, Lara. Ipapamulto kita sa Lola mo!" Caily, still shouting outside.
Last week pa yan. Pinipilit nila akong bumangon pero pano? Pano kung sukong suko na ang katawan ko? I can't stand. Pero kung pipilitin ay kaya ko.
"Meow...." napatingin ako sa gilid ko nang tumabi ng higa ang pusa sa tabi ko. She's cuddling me na para bang alam niya ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung kaninong pusa to basta mula ng umakyat 'to sa kwarto ko ay inangkin ko na siya.
Kasi siya.... kahit pusa siya ay hindi niya ko iniwan. Ni hindi siya lumabas ng kwarto ko. Nanatili siya sa tabi ko.
"Mini... hindi mo ko iiwan diba? Hindi mo ko pababayaan gaya ng ginawa ni Stan? Mangako ka mini, please... " pakiki-usap ko dito pero kiniskis lamang niya ang mukha niya sa pisnge ko.
"Hey Lara, please open the door. I have some tea for you! Mainit init pa. Napuno ko na ang mini notebook ko kakalista ng mga kaganapang chismis para sayo." sigaw ni Kahiya mula sa labas kaya napangiti ako.
They really want me to arise from my lounge? Then be it....
Umupo ako mula sa pagkakahiga at akmang tatayo na ng marinig ko ang boses ni Kaka. Agad na naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng ngiwi dahil sa sinabat niya.
"Lara, lumabas ka na... baka nangangamoy ka na."
Napahinto ako at inamoy ang sarili ko... nangangamoy na nga ako.
Ilang araw na ba kong di naliligo? 6? 7? Must a week.
Minamantika na ang buhok at mukha ko. Nakakadiri na. Siguro kailangan ko na talagang harapin ang bagong mundong haharapin ko.
"Baka naninigas na ang panty mo dyan ha. Labas labas din pag may time!" sigaw niya pa kaya ramdam ko ang pagtaas ng init sa mukha ko. I'm burning! Burning with shame!
Kailangan niya ba talagang sabihin yon?
Ang daming tao sa labas! Nakakahiya!
"Just leave me alone, please." sambit ko at muling binagsak ang sarili sa kama.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...