Chapter 42:
"Ate Lara! Wake up!"
Nanatili akong nakahiga at nakatutok sa selpon ko habang sigaw ng sigaw naman si Remy sa labas.
Hindi pa rin nagrereply si Stan mula kagabi. Nag aalala na ko dahil baka ano na ang nangyare. Tinadtad ko na siya ng text at calls pero hindi niya pa rin sinasagot.
Sinubukan ko na ring tanungin sina Persley at Kiro para tingnan kung nasa mabuting kalagayan ba si Stan at oo naman ang sagot nila.
He's totally ignoring me.
Dumagdag pa sa palaisipan ko ang sinabi ni Papa kagabi.
Layra is Back daw.
Nakakatawang isipin na dati halos mabaliw na ko kakahintay na mangyare yon pero ngayong nandito na ay parang gusto ko ng umatras.
Bata pa lang ako ninanais ko ng makumpleto ang pamilya ko pero hindi naman ako ganon ka selfish para gawin yon.
Namulat na lang talaga ako sa reyalidad at paniniwalang hindi lahat ng hilingin ko matutupad.
"Lara, bumangon ka na dyan. Mala-late ka na sa klase mo ngayon. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mong kausapin ko si Kikay?" rinig kong saad ni Tita.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang unan ko.
Ito ang isa sa mga rason kung bakit nagkakaroon ako ng alinlangan sa buhay. Napamahal na sakin sina Tita Evangeline at Remy kaya alam kong mabibigyan sila ng mga mapuot na puwang sa kanilang mga puso kapag pinangarap ko pa ang pangarap ko mula bata pa ako.
Gustuhin ko mang mabuo ang pamilyang pinapangarap ko ay hindi na pwede. Ayokong maging selfish sa isang bagay na alam kung ikakasira ng lahat.
Legal na pamilya ni Papa sina Tita Evangeline. Habang ako? Isa lamang akong hamak na taong matagal ng nawalan ng landas. Isang taong pangarap na lamang ang nagsisilbing ilaw sa matayog na kaisipan. Kaya ang pangarap kong magkaroon ng kumpleto at buong pamilya kasama ang tunay kong mga magulang ay isa na lamang kasinungalingan.
"Buti naman at bumaba ka na, Lara. Masama ba ang pakiramdam mo? Ba't namumutla ka?" tanong ni Tita Evangeline.
"Medyo sumisikip lang po ang bandang dibdib ko pero okay lang ako. Sa init lang siguro to" nakangiting sagot ko bago kumuha ng mansanas para kainin.
"Hindi yan dahil sa init lang, Lara." mariing saad ni Papa kaya napaiwas ako ng tingin. "Umabsent ka muna ngayong araw. Ipapa check up kita."
"Huwag na po! Ayos lang talaga ako." normal lang naman 'to lalo na at mainit na ang panahon.
"Hindi ka mukhang maayos para sakin Lara." sabi niya bago tingnan ang kamay ko. "Namamayat ka na at palagi ka na lang walang gana. Palagi na ring sumisikip ang dibdib mo kaya hindi pwedeng hayaan ko na lang yan."
"Sa init lang po talaga 'to lalo na't papalapit na ang summe---- "
"Hindi mo ako mapipigilan, Lara. Kapag sinabi kong a-absent ka para magpa check up, a-absent ka." may pinalidad sa boses nito kaya napatango na lang ako at muling nagbihis sa taas.
Napahinto ako sa paggalaw dahil sa biglang pag kirot na naramdaman ko at napahawak sa dibdib ko nang sumakit na naman 'yon. Walang boses akong sumigaw at napasandal sa pintuan ko habang hawak hawak pa rin yon.
Para iyong pinupunit.
Kelan ba 'to titigil?
( Lara papasok ka ba??? ) nahahapo akong napaupo sa kama ko habang pinapakinggan si Caily sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...