Chapter 14:
Sa araw na lumilipas ramdam ko na ang panlalamig ni Stan sakin. Dahil siguro iyon sa nangyare samin.
Hindi ko naman siya masisisi dahil sumubra nga ako.
Gusto kong huminge ng tawad sa kaniya pero may pumipigil sakin. Pinalipas ko na lang ang ilang araw para huminge ng tawad sa kaniya.
Sa gabi ding 'yon ay chinat ako ni Virgo. Tamang tama dahil nasa comp shop ako.
'Let's date, Lara.'
Abala ako sa pag s-stalk kay Virgo nang magawi ng mata ko ang status nito.
In relationship with Aina Izraella.
Tangina, niyaya akong mag date pero may naka-kabit pang tarsier sa status niya. Hanep ka talaga Virgo.
Napairap ako sa hangin at ini-stalk si Aina hanggang sa umabot ako sa mga post niyang ilang taon na ang nakakalipas.
"Di man ako kasing 'GANDA' ng EX mo....... di kasing -TINDI' ng CRUSH mo....... at di kasing 'LUPET' ng MAHAL mo... pero pag 'AKO' MINAHAL MO..... mamahalin kita hanggang 'MAGYELO' ang 'IMPYERNO'." basa ko sa caption ng dp niyang naka peace sign habang may suot na salamin.
"Ang jeje amputa." bulong ko at tumayo na dahil paubos na ang time ko.
Dumating ang linggo at naisipan kong mag benta na naman ng turon at agogo dahil may liga sa lugar namin, tamang tama dahil hihinge ako ng sorry kay Stan.
Naghanap kami ng mauupuan ni Caily malapit sa pwesto nina Stan at kung sinuswerte ka nga naman, sobrang lapit non sa pwesto nila. Sobrang lapit din ng tsansa na tamaan kami ng bola doon.
"Stan! Pwede ba kitang makausap?" pasigaw kong saad nang umupo siya sa bench na nasa harap namin.
Ang ingay ingay ng paligid at hindi niya ako maririnig kong hihinaan ko ang boses ko.
Nilingon niya ako saglit. "Mamaya na,"
Napabuntong hininga na lang ako nang tinalikuran niya ako at sinenyasan ang mga kasamahan niya papalapit sa kaniya.
Ako naman ay prenteng umupo sa tabi ni Caily na panay ang lingon kay Kiro na iniismiran lang siya.
Si Kiro yung crush ni Caily na anak ng manggugulay. Kung pwede niya nga lang bilhin lahat ng paninda ng tatay ni Kiro ay ginawa niya na. Ganon niya kagusto ang binata.
Napapareklamo na nga lang ang Mama niya dahil umay na umay na raw sila sa ulam nilang palaging gulay na obvious naman na binibili niya kina Kiro.
"Hoy, mga fafa bili na kayo, Agogo! Pak na pak para sa mainit na panahon! Sampung piso ang isa pero kapag kay Bebe Kiro ay libre na lang with freebies na kiss galing sakin!" napangiwi na lang ako sa pinagsasabi ni Caily.
Immune na ako sa kabuangan at kalandian niya. Ewan ko ba, may tindahan naman sila pero ako 'tong binubwesit niya.
Kulang na lang ay tumira siya sa bahay dahil parang 24/7 ay palagi siyang naka sunod sakin.
Hinawi ni Stan ang medyo may kahabaang buhok habang kausap pa rin si Kiro na himalang sasali sa laro.
Hindi na tuloy ako nagtaka nong halos kaladkarin na ako ni Caily patungo dito.
Tumaas sandali ang kilay ko nang sulyapan ng tingin ni Stan ang basket na may lamang turon sa kandungan ko.
"Bumili na kayo sa magandang dilag dito," turo niya sa pwesto namin ni Caily dahilan para mapuno siya ng hiyawan at pang-aasar galing sa tropa niya.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...