Chapter 34:
"Kailangan niyong manalo!" pagbubulabog ko sa mga cheerdancer naming halos isako na ko dahil sa kaingayan ko.
Second Day na ng Intrams ngayon. Ibig sabihin sasayaw na sina Caily! Gumawa pa ako ng pompoms kagabi para lang dito!
"Lara, huwag ka ngang talon ng talon sa harap namin. Nagmumukha kang palaka na cheerer," irap ni Aina kaya inis ko siyang hinarap.
"Ikaw nga hindi cheerer pero mukha ka na talagang palaka,"
Rinig ko ang ilang pag bungisngis ng mga kaklase ko kaya inayos ko na ang suot kong palda at lumabas na kasama si Stan na may hawak na banner.
"Ano na naman bang pakulo 'to at may parade parade pang nalalaman?!" inis kong tanong kay Stan na inaayos ang kulay itim niyang P.E Uniform.
"Hindi ko alam. I'm just following what Ma'am Kikay said," aniya at hinigit ako papalapit sa kaniya. "Naiinitan ka ba? Nauuhaw? Ito tubig---- "
"Nababadtrip ako! Wala bang solusyon dyan para sa kabadtripan ko?" namewang ako at tiningnan siya pero ngumiti lang siya at hinawakan ang magkabila kong pisnge para e-stretch.
"Ngumiti ka,"
Napakurap kurap ako. "Ano?"
Mas lalo siyang ngumiti at finorm ang mga labi ko para mapangiti. "Ngiti.... that's the cure for your 'kabadtripan'." saad niya kaya napilitan akong ngumiti at nagpahigit na lang sa kaniya patungo sa covered court para sa parade.
Pagkadating namin don may kaniya kaniya ng linya bawat baitang at section. Nakahanda na rin ang ilang drummers at nag ma-marjorette sa likod.
Nang makumpleto na ang linya ay sinimulan na ang parade. Tirik na tirik ang araw kaya mahaba habang paglalakad pa ang gagawin namin.
Nasa unahan kaming dalawa ni Stan sa linya ng section namin. Kami ang may hawak ng banner na nag pe-present na kami ang representative ng section namin.
"Ang init, woahh!" halos gawin ko ng pamaypay ang banner na hawak dahil sa init. Kakalabas pa lang namin ng campus pero hindi na mawari ang pawis na namumuo sa buo kong katawan.
"Come here," gulat akong napatingin kay Stan nang higitin niya ko papalapit gamit ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa handle ng payong na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Pero siya si Stan... lahat nagagawa niya. Hindi na nakakapagtaka 'yon. Para siyang si Dora dahil kumpleto siya sa lahat.
"Ay wow, may pa payong! How about me naman diba!" pagpaparinig ni Caily kaya mabilis ko siyang nilingon at binelatan.
Caily is completely obsessed with Kiro, and her love for him has changed her into someone very intense. Something significant happened between them that made her become extremely focused and serious. Her feelings for Kiro have taken over her life, and it's clear that their relationship has had a major impact on her.
Gusto kong magtanong dahil kaibigan ko siya at kaibigan niya ko pero tuwing binubuksan ko ang topic na 'yon ay palagi siyang gumagawa ng paraan para umiwas.
Lahat na lang ng tungkol kay Kiro ay iniiwasan niya. Pati na rin si Kiro na mismong kinababaliwan niya noon ay parang lantang gulay na lang ngayon kung tratuhin niya.
Gaya ngayon....
Kiro's finding a way to make it up with her. Pero nilalayo niya lang yong binata. Sinubukan siya nitong payungan dahil sa init pero lumalayo siya at pilit na sinisiksik ang sarili sa pwesto ni Dysea at Calian.
"Kiro's life is f*cked up," saad ni Stan habang nakaupo kami sa gilid at pinagmamasdan lang sila. "His father was on the verge of disowning him because he refused to make amends with Caily,"
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...