Chapter 32:
"Ay butiki!"
Napahinto ako sa paglakad nang may tumiling bakla sa gilid ko.
Tinabingi ko ang ulo ko at tinitigan ng maigi ang pagmumukha niya. Napaka pamilyar niya sakin.
Pumitik ako at umayos ng tayo.
"Ay shukla ka beks! Parang nakita na kita!"
Nanlaki ang mga mata niya sinabi ko at umabante.
"Hindi ako 'yon!"
"Wait ka ryan!" hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang ID na napulot ko dati sa jeep. Nang makita ay agad ko itong kinuha at ipinakita sa kaniya. "Sayo 'to diba? Kayn Ryu Protacio, huh!"
Bigla siyang nataranta at kinuha iyon sa kamay ko. "Ba't nasa sayo 'to!?"
"Sinong tanga ba ang naghulog niyan? Mang hoholdap ka na nga lang mag iiwan ka pa ng ebidensya!" napaka t*nga niya!
At sa dami ng lugar na pwede naming pagkitaan ay dito pa. Dito pa sa labas ng shop ng kaibigang beki ni Caily.
"Oy ikaw yung nerbyosong holdaper sa jeep!" napalingon ako kay Caily nang lumabas siya mula sa shop.
"Tas ikaw naman yung tanga," sagot nong Kayn kaya nabatukan ko siya ng wala sa oras.
Pagkatapos naming kumain noong araw na yon ay umuwi na sina Dysea kasama ng mga 'fafable' nila. Hindi na nila kami nasamahan sa shop na tinutukoy ni Caily kaya kaming dalawa na lang ang pumunta.
Ilang araw na lang intrams na at abala ang lahat para sa event na yon. Halos lahat ng estudyante ay nagpapractice na ng mga sayaw nila.
"Tara, Lara. Nasa loob na si Beks," aya ni Caily kaya sumunod na ko sa kaniya papasok sa shop.
Kinawayan ko pa ng mabilis si Kayn na masama ang tingin sakin dahil sa pagbatok na ginawa ko.
Hindi naman yon malakas, slight lang pero kung samaan nya ko ng tingin parang ang lakas!
"Beks! Nandito na si Lara!"
Gusto kong sapakin ng brush si Caily nang dumapo lahat ng tingin samin ng tao sa loob nang isigaw niya yon.
Nag echo pa ang boses niya dahil sa lakas ng boses niya. Kahit sinong makakarinig non ay mapapatakip talaga sa mga tenga nila.
"Lara who?" tanong ng isang beki na nag aayos ng buhok sa malapad na salamin.
Ang mga katabi niya ay yon din ang ginagawa. Ang ilan ay nag me-make up.
"Wala ka na don Gregorio," tawa ni Caily bago tumukod sa counter.
Umuwang ang labi ko kasabay ng pagtakip ko sa magkabilang tenga ko nang tumili ng bonggang bongga ang tinawag niyang Gregorio. Para siyang kabayo na hindi mapa-anak! Napaka tinis! Halatang iniipit.
"Oh my goooood! It's Gregoria you piece of sh*t!" pulang pula ang mukha nito nang isigaw 'yon. Lalo na't nagtawanan ang mga beki niyang mga kasamahan.
Umupo ako sa couch na nakita ko at senenyasan si Caily na lumapit sakin. Agad naman siyang sumunod at umupo sa tabi ko.
"You must be 'Lara'?"
Napatingin ako sa isang babaeng nakapamewang sa harap ko. Nakasuot ito ng hapit na dress na siyang bumagay lang sa mapuputi niyang kutis.
Mahaba ang blonde nitong buhok. Kasing ganda naman ng ilong niya ang jawline niya. Inshort, maganda talaga.
"Hi, I'm Beauty, the owner of this shop." pakilala niya kaya lalo akong namangha.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...