CHAPTER SIX

110 8 0
                                    

Chapter 6:

Katahimikan ang namuo samin. No one tried to break the silence.

Kahit ako, ayaw ko ring mag-ingay.

Nakakailang din kasi.

Hanggang sa magtama ang aming tingin ni Mrs. Avalong—este Mrs. Avalor—sa salamin ng kanyang kotse.

Ngumiti siya at isinuot ang kanyang salamin gamit ang kanyang kabilang kamay.

"Don't be mad at Caily, Lara. I insist. Besides, I want you to attend your first day at your new school together. And Remy wants to see you both on your first day, since you'll be on the same campus anyway," aniya.

"Pero nakakahiya po kasi—"

"Don't be," ngumiti siya ulit at nilingon si Remy na nasa tabi niya. Kami naman, kasama si Caily at si Stan, ang nakaupo sa likod. "Are you happy, baby? Sabay kayong papasok ni Ate Lara mo. Isn't that exciting?"

"I'm happy, Mommy!"

"That's good, baby. By the way, have you guys eaten?" tanong niya sa amin habang nakatingin sa daan. "Lara, did you eat? You look pale."

"Kum—"

"Hindi po siya nakakain!" singit ni Caily na nasa tabi ko, kaya mabilis kong kinurot ang hita niya! Tinampal niya naman ang kamay ko at mabilis na hinila ang paper bag na hawak ko na may lamang pagkain ni Stan. Walanghiya 'to! "Kanina pa nga po kumukulo ang tiyan niya. Nagmamadali siya kanina, kaya kahit pagsuklay hindi niya nagawa."

"Really? You should eat, Lara. Baka himatayin ka mamaya." sabi ni Mrs Avalor na sinang ayunan naman niya.

"Yun nga po ang sabi ni Stan kanina sa kanya."

Tumango tango si Mrs Avalor. "Don't worry, may drive-thru naman. I'll buy you food—" tiningnan niya ako sa salamin at kinindatan. "At wag ka nang magreklamo. It's for your own good."

Kimi akong ngumiti dahil sa hiya. "Maraming salamat po."

Ngumiti lang siya at muling ibinalik ang atensyon sa daan. Nilingon ko naman si Caily na nagseselfie na sa tabi ko. Si Stan naman ay may kausap sa cellphone niya sa tabi.

"Yes, baby? I'll pick you up later. Huh? Just call me! Lagot ako sa Papa mo kapag may mangyaring masama sa'yo! Okay? Great!" natagal kong tiningnan si Stan na nakatingin sa bintana.

Gago, may baby na siya? As in jowa?

Tapos susunduin pa niya?

Aba, hanep. Ilang linggo pa lang siya dito, nakabingwit na agad siya ng sisiw?

"Laraaaaa, may baby na ang baby Stan ko!?" pasigaw na bulong ni Caily sa akin nang marinig din ang sinabi ni Stan. Napatigil pa siya sa pag-selfie. "Aykenattt!"

"Wag kang OA. Baka kapatid lang." sabi ko pa.

"Anong kapatid!? Eh baby nga daw tsaka di mo ba narinig? Lagot daw siya sa Papa nong girlalo!" may gigil na sigaw ni Caily.

"Kung ganon, isa lang ang ibig sabihin non." sabi ko kaya lumingon siya sakin.

"Ano?"

Pinagsiklop ko ang magkabila kong mga kamay at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "Mag-move on ka na, tanga."

"Ayoko, wala na akong inspiration." iling niya kays napairap na lang ako sa hangin.

"Alam kong tanga ka pero di ako nainform na lumala na pala. Bahala ka sa buhay mo."

Ang tanga-tanga!

Hindi siya nakaangal sa sinabi ko dahil mabilis siyang sumubsob nang pumreno si Mrs. Avalor. Bubuka na sana ang bibig niya nang mapansing umo-order na pala ng pagkain si Mrs. Avalor.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon