CHAPTER TWENTY SIX

48 5 1
                                    

Chapter 26:

"Lara! I'm sorry I'm late!"

Nginitian ko lang si Dysea at pinapasok na nang mahuli ito ng dating.

Kanina pa yung dalawa dito. Kasalukuyan na nga nilang binubulabog ang kusina ko.

Ewan ko na lang kung tinirhan pa nila ng pagkain si Dysea.

Mga patay gutom pa naman 'yon!

Pero buti na lang talaga at pumayag sila na tulungan ako sa pag impake. Para na rin daw makabonding kami!

"Hoy, ba't ngayon ka lang!?" napahawak si Dysea sa dibdib niya nang sigawan siya agad ni Kahiya na punong puno ng pagkain amg bibig.

Katabi niya si Caily na ngiti ngiti na namang nakaharap sa selpon niya!

"T*nga, traffic!" sabi ni Dysea bago sumubo ng lumpiang gulay na nasa mesa.

"Natraffic sa date niyo ni Calian?"

"Ano ka ba? Napaka chimosa mo. Parang hindi kayo nag dinner ni K-jmkhdfevtr funy*ta!"

Natawa na lang ako at nilagyan ng tela ang ibang kagamitan ko. Nasa karton na rin ang ilang gamit ko na maiiwan sa bahay na 'to.

Papa offered to renovate this house for me that I instantly decline.

Ayokong may magbago sa bahay na kinagisnan ko. Ayokong mawala ang mga memorya na naipon namin ni Lola dito.

Gusto kong manatili iyon sa dati niya pang disenyo.

"Dalawang maletta lang ang dadalhin mo?" lumuhod si Dysea sa gilid ko at tinulungan akong i-karton ang iba.

Mabilis akong tumango at inabot ang tape para isarado ang pangatlong karton. Naglalaman iyon ng ilang kagamitan ng yumaong ko ng Lola.

Iilang damit at gamit lang inimpake ko. Kumpleto na ang lahat ng gamit ko sa bahay ng Papa ko kaya wala na akong dapat ipag alala.

May mga damit na rin don na halatang binili talaga para sa akin. Napakadami non kaya napaloob sa malaking kabinet malapit sa cr.

"At last!"

Halos sabay kaming napahiga sa banig na nasa sahig sa sobrang pagod.

Katatapos lang namin mag impake at maglinis. Malalim na ang gabi kaya inanyayahan ko silang kumain.

Buti na lang talaga at nakapag handa ako, kundi gagapang kami sa gutom.

"Kamusta yung pag papractice niyo ni Stan ng talent portion niyo, ayos ba?" tanong ni Kahiya.

Nagkibit balikat ako at mas lalong ininat ang katawan ko. "Okay naman. Wala namang masiyadong ganap lalo na't ang dami ko pang inaayos. Minsan na lang rin kami nagkikita,"

"Ano ang napili niyong kanta?" tanong ni Dysea na nakadapa na habang ngumunguya ng chips. 

"R-Rainbow..."

"By South Border?" tanong niya kaya tumango ako at hindi na nagsalita.

Hinihingal pa rin ako. Parang kinakarera ang puso ko. Masiyado akong napagod kaka tape ng ilang karton.

Umupo si Kahiya para makita ang pagmumukha ko. "Hmmm, may speech ka na ba? Marunong ka na bang rumampa?"

Gumapang naman si Caily papalapit sa pwesto at umunan sa tiyan ko! "Marunong na rumampa yan! Suking suki yan ng paaralan namin dati! Baka sa Q and A pa nga yan himatayin!"

Tiningnan ko ng masama si Caily pero nag peace sign lang siya.

Puny*eta, may Q and A nga pala.

"Oh, silly you! Sabaw lang yang Q and A na yan para kay Lara! Ang galing niya kayang sumagot kay Maam Kikay last week," sabi ni Kahiya at dumagan na kay Caily.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon