Chapter 16:
"Alis na po ako, Mrs Avalor!"
Napatanga na lang si Mrs. Avalor sakin habang nagmamadali akong lumabas ng bahay nila.
Ilang beses ko pang narinig ang pagtawag niya sakin na hindi ko na pinansin dahil sa labis na pagmamadali.
Nang sabihin iyon ni Mr. Lucan ay nagmadali na ko, ewan ko. Napaka weirdo niya.
Wala naman akong narinig na masama mula sa kaniya pero tuwing nakikita ko siya ay para akong tutang takot maapakan.
"Lara!" napalingon ako sa gilid ng waiting shed nang makita si Stan na humihingal na tumakbo papalapit sakin. "Anong nangyare? Nagalusan ka ba? Nasaktan? Ano???"
Umirap ako. "Napaka oa mo naman, Stan. Gusto ko lang umuwi,"
"Hmmmm," tumango tumango siya at naglakad na patungo sa kotse niyang naka park hindi kalayuan.
Sa sobrang pagmamadali ko kaninang maka alis natawagan ko siya para sunduin ako.
Wala naman akong ibang kakilalang may kotse kaya wala akong choice.
Ayoko naman mag jeep dahil magastos. Saan pa at naging manliligaw ko siya diba.
"Salamat sa pagsundo," saad ko nang makapasok sa sasakyan.
Tumango lang siya at inayos ang ac.
"Anytime, kahit saan pa yan! Susunduin kita. Sasamahan kita," mayabang akong ngumiti dahil sa narinig at nilingon siya ng kaunti.
"Paano pag si Kamatayan na ang susundo sakin. Sasamahan mo pa rin ako?"
Tumango siya. "Oo naman, till death do us part nga diba?" napangiwi ako. Kung kanina kinilig ako ngayon hindi na.
"Corny mo!"
Siningkitan niya ako ng tingin. "Pero seryoso, Lara. Susundan kita. Kahit saan pa 'yan,"
Nag kibit balikat na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos kay Remy at Mrs. Avalor. Baka anong isipin ng mga 'yon.
Masiyado lang talaga akong kinabahan sa sinabi ni Sir Lucan.... nag simula na rin akong mag isip ng kung ano ano gaya ng, what if isa siya sa mga relatives ko? What if kadugo ko siya? O what if kapatid siya ng magulang ko? Hindi ko na alam!
Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Napasabunot ako sa buhok ko at inis na sumigaw, wala ng pake kung maingayan man si Stan. Hindi niya naman ako sinaway kaya mas lalo lang akong sumigaw ng sumigaw.
Nang medyo tumino na ang utak ko ay tumahimik na ako. Inayos ko na rin ang pagmumukha ko.
"Okay ka na?" tanong niya habang nasa daan ang tingin.
"Medyo okay na. Nailabas ko na lahat," tumango tango siya at pasulyap akong binigyan ng tingin.
"Mabuti kung ganon. Kulang na lang umire ka eh," umirap ako dahil sa pang aasar niya at tinaasan lang siya ng middle finger.
Wala siyang maggawa sa buhay.
Huminto ang sasakyan sa isang kapehan. Nauna siyang lumabas at bubuksan na sana ang pintuang nasa pwesto ko nang pinigilan ko iyon.
"Ako na----" umiling ako at siningkitan siya ng tingin.
"May kamay naman ako, Stan...." ngumuso siya at tumabi na.
"Nagpapaka gentleman lang eh... pangit mo talaga ka bonding, Lara," tumawa ako pagkatapos non ay sumunod na sa likod niya.
Inayos ko ang damit ko habang lakad takbo siyang sinundan. Ilang beses ko pa siyang kinalabit para tanungin.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...