CHAPTER NINETEEN

52 5 0
                                    

Chapter 19:

"Kasalanan mo 'to, Stan eh!" iretado akong sumigaw at tiningnan ng masama si Stan na pasipol sipol lang sa tabi ko.

"Ano na naman?" inosente niyang tanong habang kampanteng buhat buhat ang ilang plastik. Ako naman ay halos humalik na sa lupa dahil sa mga dala ko.

"Punyeta ka, sana binili mo na lang pati tindahan no?" sarkastiko kong saad bago bitawan ang mga bitbit. Minasahe ko ang mga daliri ko, hindi inaalis ang masamang tingin kay Stan.

Ba't ako iretado? Ito kasing hapon na 'to! Nakakagago!

Hinila ba naman ako sa isang tindahan. Binilhan ako ng sandamakmak na lamunin, ilang push cart pa yung hila hila niya pagkatapos kulang na lang ilagay niya lahat ng maganda sa paningin niya sa push cart! Nong una pinabayaan ko lang siya kasi siya naman yung magbabayad tas nong nasa counter na kami ako ba naman yung pagbabayarin niya eh sumubra 12 000 yung bill! Ayon tuloy, nagsapakan kami don. Nakasira kami ng ilang gamit kaya pinabayaran ng may ari.

"Oy, galit ka pa ba?" inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Naabutan na kami ng gabi dahil sa walang katapusang pagbabangayan namin.

Ilang plastik ang bitbit naming dalawa ngayon, partida maglalakad pa 'yan. Sa sobrang inis ko kasi kanina hindi na namin naabutan yung paghuling jeep na patungo sa lugar namin.

"Lara, galit ka pa ba?" kinalabit niya ko kaya mas lalong sumama ang timpla ko.

"Ano sa tingin mo!?"

Ngumuso siya at mas lalong yumuko sa harap ko. "Sorry na nga eh.... bati na tayo, please?"

"Ano ka gold?" pambabara ko pa at nauna ng maglakad. Mas lalo tuloy humaba yung nguso niya. Gusto ko tuloy siyang tirisin dahil namumula na ang mata niya, halatang paiyak na.

Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman ng panlalabo ng tingin. Pumikit pikit ako, pilit nilalabanan yung nararamdaman ko ngayon pero lalo lang lumala 'yon.

"Anong nangyare sayo?" nag-aalalang tanong ni Stan habang todo alalay sakin. 

"Biglang nanlabo yung mga mata ko, " sabi ko.

"Tsk, kaka facebook mo 'yan, " pinigilan ko ang sarili kong huwag siyang sapakin. Kung kanina yung inis ko sa kaniya pwede pang idanan sa lambing at harot, ngayon hindi na! Gustong gusto ko na talaga siyang sapakin ng martelyo!

"Akin na nga 'yan," pilit niyang kinuha ang mga plastik sa kamay ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakakapit don.

"Ako na--- "

"Akin na, namumutla ka na," seryoso ng saad niya kaya natahimik na ako. Hindi na tuloy ako nakahindi at hinayaan na lang siyang bitbitin yung ibang plastik na naglalaman ng pinamili namin hanggang sa marating na namin ang bayan namin.

Tinry kong bawiin sa kaniya 'yon pero puro iling lang ang sagot niya, seryoso pa rin ang pagmumukha.

"Dito na ko, Stan," sagot ko nang matanaw na ang bahay ko.

Malayo pa lang ako nakikita ko na yung mga mukha ng mausisa slash chismosa kong mga kapit-bahay. Kaya ayaw kong umuwi ng kasama si Stan eh, nagiging laman kami ng balita everyday, every morning and every night.

"Hmm, wala na bang masakit sayo?" tanong niya sakin. Agad akong umiling at humilig sa bakuran nang kapit-bahay.

"Wala naman na. Ano ka ba, trial lang ni kamatayan 'yon," tawa ko pa pero natigil ako nang mas sumingkit ang mga mata niya.

"I'm serious, Lara,"

"Yes serious, I'm Lara,"

Napatampal na lang siya sa noo niya at senenyasan akong umuwi na. Ngumuso naman ako at tumalikod na bitbit ang ilang plastik. Nakasunod siya sakin bitbit ang ilang plastik na hinati namin.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon