Chapter 41:
"Hoy! Bayad mo para sa project."
Tiningnan ko ng masama si Gazen na siyang nakaharang sa pintuan habang may hawak na notebook.
"May project ba tayo?" tanong ko.
Tumango siya at agad na ipinakita ang pinag meeting-ngan gamit ang Ipod niya.
"Yes, you agreed to what we discussed last week about improving our section's garden. We talked about adding more plants and flowers to make it more vibrant. You also mentioned installing some garden decor and perhaps a small fountain to enhance its beauty." walang emosyong sagot niya. Para siyang robot na nagsasalita sa harap ko. Nakaka intimidate siya.
"Magkano nga ulit yon?" tanong ko.
"500 each," nalukot ang mukha ko at namewang sa harap niya.
"Bat ang laki naman? Ang dami dami nating magkaklase kaya sure akong sobra na yon,"
"We've been planning on putting some fish fond and fountain on our compound din kasi, " aniya. Tumaas na ang kilay niya at mataray na namewang.
"Akala ko ba garden lang, ba't kailangang may isda pa?!" singit ni Caily na kanina pa nakikinig sa likod ko.
"Enhancement." tanging sagot niya bago ako itulak papasok nang masuklian na. Buti hindi ako nawalan ng balanse dahil agad na lumapit sa pwesto ko si Stan na pawisan, nakasuot pa ng jersey kaya alam kong galing siya sa practice.
"Ba't ngayon ka lang? Nagka traffic ba? Hinatid ka ba ni Tito?" sunod sunod niyang tanong nang makaupo na kami.
"May dinaanan lang ako saglit kaya natagalan. Ikaw ba? Naliligo ka na sa sarili mong pawis, magbihis ka na kaya?" hindi naman sa nangangamoy siya pero baka kamo matuyuan sya ng pawis at lagnatin.
Ilang araw din naman kasi silang nagpa-practice dahil sa area meet na magaganap.
"Mamaya na. May practice pa kami," sabi niya habang nagpupunas.
"Eh, bakit ka nandito?!" exaggerated na tanong ko.
"Tiningnan ko lang kung maayos kang nakadating dito! Lampa lampa ka pa naman," sabi niya bago tumayo at may inabot na paper bag sakin.
"Ano to?" tanong ko pero sandali niya lang akong nilingon at binalik na ang atensyon sa pagpupunas.
"Pagkain,"
"Para saan?"
"Almusal, kainin mo. Pinaghanda ko pa talaga yan para sayo kasi sabi ni Remy hindi ka nag almusal," saad niya kaya napasilip ako sa paper bag ng wala sa oras at tama nga ako, home made breakfast nga yon. May kasama pang dalawang container para sa calamansi juice at gatas.
"Abang batang yon!" may bias talaga siya! Wahh, para tuloy akong bumalik sa elementary dahil sa dami ng baunan!
Nanlulumo akong napasubsob sa table ko at walang imik na napayakap sa paper bag kasiiii sheyt nakakahiya.
"Ayaw mo ba niyan?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.
May halong sakit at pag-aalala sa boses niya, kaya’t agad akong umayos ng upo at napakagat sa labi ko."Hindi naman sa ayaw ko, pero baka naabala na naman kita." I said, struggling to find the right words. "Hindi mo naman ako kailangang paghandaan e---"
"Girlfriend kita kaya priority kita, Lara. Hindi ka kailanman magiging abala sakin." ngumiti siya ng hindi abot hanggang mata at hinaplos ang buhok ko. "Pwede mong itapon yan sa basurahan kung ayaw mo talaga. I wont mind."
I blinked several times and tried to utter his name, but no sound came out. Parang may bumara na sa lalamunan ko.
"Hindi naman kita pinipilit kainin yan eh. Ang sa akin lang, kumain ka. Kahit wag mo na ubusin basta mabawasan mo lang. Ayokong mahimatay ka sa gutom," mahabang alintana niya at tumayo na. "Uuwi nga pala sina Mama mamaya. She asked you to come and have dinner with us. Gusto ka raw niyang makilala kaya sana dumalo ka. Okay lang naman kung hindi, hindi ako mamimilit. Alam ko naman kasing hindi ka pa handa. Kaya sabihan mo lang ako mamaya kung tuloy ka o hindi, para masundo kita." pagkatapos non ay lumabas na siya sa room ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...