CHAPTER TWENTY NINE

39 4 2
                                    

Chapter 29:

"HALA BA'T MAY DUGO!?"

Exaggerated na sumigaw si Caily nang makita akong bitbit ni Keyros kaya agad na nagkagulo ang lahat.

Daplis lang naman 'to pero kung makaasta sila para akong mamamatay.

They even called a nurse for pete sake!

"Anong nangyare sayo?" tanong ni Dysea habang nililinisan ang sugat ko.

"Where did you get that?" kuno't noong tanong ni Kahiya.

"Tumakbo ka na naman bang wala sa sariling g*go ka?" inis na sermon sakin ni Caily na naka pamewang sa harap ko ngunit tinabig ko lang siya at sinilip sina Papa na kausap si Keyros pati na yung Kalbo niyang amain.

"Anong pinag uusapan nila?"

"Mauubusan ka na ng dugo't lahat lahat naggawa mo pang mag chismis! Ganyan ka na ba talaga ka chismosa Laralinnett Antolo!?"

Hindi ko pinansin si Caily na parang manok na tutak ng tutak at binigyan na lang ng pansin ang Karvo Kalbo na 'yon!

Kung pwede ko lang sabunutan 'yon ay ginawa ko na! Kaso minamalas ata ako dahil kahit isang hibla ng buhok ay parang wala siya. Kumikinang pa ang ulo niya sa kinis.

"Kuya Stan need a time to think , Ate Lara." napatingin ako kay Remy na lumapit sa pwesto ko at may inabot na bandaid sakin.

Itim ang kulay non na may design na initial na S sa gitna. Halatang pinagawa talaga. Hindi ko alam kung kanino galing to o saan niya nakuha basta ang alam ko, hindi sa kaniya 'to.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Kuya Stan is not a food you can enjoy everytime. Not even a product you can buy everytime you're lacking a stock," umupo siya sa harap ko sabay lagay ng bandaid sa tuhod ko. "Kuya Stan is a human, Ate Lara. May pakiramdam din siya gaya natin. Nasasaktan at nakakaramdam. Hindi siya robot, hindi siya manhid."

"Sinasapian ka ba?" nakangiwing tanong ko.

Hindi ko alam ang pinupunto niya. Masiyado siyang matalino. Sa dami ng pinagsasabi niya ay nakakalimutan ko ng mas bata siya kesa sakin.

Wala sa amin ang atensyon ng lahat kaya malaya niyang nasasabi sakin lahat ng bumabagabag sa kaniya. Ramdam ko 'yon mula ng bumalik ako dito bitbit nina Keyros.

Inayos niya ang suot na salamin at tumayo sa harap ko. Wala pa ring kaemo-emosyon sa mukha. Tiningnan niya ako sa mata. "Hindi ako sinapian. Marunong lang talaga akong makiramdam sa paligid ko lalo na sa manhid na katulad mo."

Nahigit ko ang hininga ko at pinigilan ang sarili na huwag mag iwas ng tingin.

Ramdam kong natigilan ang lahat sa mga ginagawa at agad kaming dinaluhan.

"Remy! You can't talk to your Ate Lara like that! She's older than you," lumapit si Mrs. Avalor sa anak at lumuhod sa harap nito.  "Say sorry!"

"Don't want to." iling ng bata kaya napayuko at pinigilan ang sarili na huwag makagawa ng ikakasakit nila.

Alam kong manhid ako. Ilang tao na ang nagsabi niyan sakin. Kahit si Lola na nakasama ko sa kalahati ng buhay ko ay ilang beses din na naisambit sakin 'yon pero kakaiba pa rin pala kapag bata na ang nagsabi sayo harap-harapan.

Bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Naglaho ang pader na ginawa ko para sa sarili ko kasabay ng pagbukas ng tenga ko sa salita ng reyalidad na siyang sasampal sa pagkatao ko.

"Apologize to your Ate Lara, Remy." lumapit na rin si Papa kay Remy para aluhin ito pero tigasin na yata ang batang ito dahil umiling siya sa harap namin ng hindi pa rin inaalis ang tingin sakin.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon