CHAPTER THIRTY

38 5 0
                                    

Chapter 30:

"Oy Lara, huwag ka ng umiyak. Masama sa pagkain ang iniiyakan.... "

Inismiran ko lang sina Kahiya na nasa harap ko at patuloy na nilalamon ang pagkain na bigay ni Stan.

Kanina ko pa kinakain 'to pero ko hindi maubos ubos. Sinubukan kong bigyan sila pero umiiling-iling lamang sila at sinasabihan akong may kakatay sa kanila ng buhay kapag kumain sila sa pagkain ko.

Hindi ko na tuloy napigilang maluha habang pilit na nilulunok lahat.

"Pag ikaw sumabog, bahala ka," napanguso ako at nilunok ang panghuling slice ng pizza.

Buti na lang at wala ng tao sa room. May mga practice, exempted kami kasi magaganda kami. Chos.

"Ano bang pumasok sa isip ni Stan at binagyan ka ng ganyan?" nakahalukipkip na tanong ni Dysea pero nagkibit balikat lang ako.

"May hangarin ba siya mula sayo?" taas kilay naman na tanong ni Kahiya na agad kong inilingan.

Hindi ko alam at wala akong balak mangealam.

"Para kang nagmumukbang.... " humalakhak si Caily at nag sign ng camera sa harap ko. "Kulang na lang camera para pak na pak!"

Tinampal ko ang kamay niya at parang kandila na napahilata sa upuan ko.

Busog na busog na ako. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Para na akong buntis sa laki ng bilbil ko.

"Are you done eating?"

Mabilis pa sa alas kwatro kaming napa ayos ng upong apat nang pumasok si Stan sa room.

Kasama niya ang vice president naming nakapamewang at parang la-lagariin ang tatlong kasama ko na kasalukuyang nakatago sa inuupuan ko.

"Caily, Kahiya, Dysea! Sinong nagsabing pwede kayong magpa chill chill na tatlo dito?!" tumaas ang kilay ng vp namin at tinuro ang baba. "Balik sa baba, practice!"

"Inamo, practice raw pero ni isang stepping ay wala pang nagagawa," bulyaw ni Caily na nakapamewang na rin.

"Don't worry girls. I got you!" humalakhak ang vp namin sabay ngise. "I found a dance trainer yesterday and... you're going to practice ALL DAY."

Nanlaki ang mga mata ko at hindi napigilang mapahalakhak nang marinig 'yon.

"Watdapak?" Dysea.

"Seryoso ka???" Kahiya.

"Piste naman oh," Caily.

Kaniya kaniya nilang reklamo bago ako ituro. "Paano si Lara!?" sabay nilang saad kaya muling namewang ang vp namin.

"Don't worry, may sarili siyang practice together with Stan kaya wag na kayong umangal at bumaba na. Pronto!"

Nagsitakbuhan na silang tatlo palabas kaya tinaasan ko ng kilay si Stan nang kami na lang ang naiwang dalawa.

"Tingin tingin mo?" 

"Naubos mo?" tanong niya.

"Hindi ba obvious?" inirapan ko siya sabay turo ng bilbil kong kakagat na.  "Hindi pa ba sapat 'tong bilbil ko para hindi mo makita? Para na akong si Pooh!"

Ngumiti siya at namulsa. "That's okay, you look better with that dropsy."

"Engot ka," irap ko.

"Daldal, bilisan mo at may practice pa tayo," tumalikod na siya at nauna ng lumabas kaya agaran ko siyang sinundan. 

"Say again? Wala akong maalalang may appointment akong ganon ngayon," sabi ko pero hindi man lang siya sumagot. Patuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating kami sa comfort room ng ikatlong palapag. "Anong gagawin natin dito?"

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon