Chapter 31:
"Ah, putang*na!"
Sumubsob ako sa mesa ko at mariing napahawak sa puson ko. Tang*na magiging manananggal na ata ako.
"Lara, okay ka lang?" tanong ni Stan kaya agad akong nag thumbs-up.
"Oo,"
"Don't lie. I know menstruation is not about blood," ramdam ko ang presensiya niya sa tabi ko. Napaupo ako ng maayos at nakita siyang titig na titig sakin habang may hawak na burger. "Ito kainin mo... pampatanggal ng stress,"
Walang pagdadalawang-isip ko iyong tinanggap at kinain. Kung may bagay man akong gustuhing makuha, 'yon ay ang pagkain.
Pagkain na ang naging sandigan ko mula pa noon. 'Yon din ang naging sandigan ko para mabuhay. 'Yon din ang naging pang hanap-buhay ko.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Stan... mula pa kanina. Nahihiya ako, ang kapal lang ng mukha kong magpabili ng napkin sa kaniya. Pero hindi naman siya umangal!
"Stan... salamat nga pala kanina," napalunok ako at sinulyapan siya. "Salamat sa p-pads, "
Namula ang mga tenga niya kasabay ng pag-iwas ng tingin niya. "Okay lang 'yon. Uhmm, may gusto ka pa bang kainin?"
Umiling lang ako at inubos na ang kinakain ko. Wala pang tao sa room ngayon maliban saming dalawa dahil nag pa-practice pa ang iba.
"Nga pala.. kamusta kayo ni Keyros?" tanong niya. Nilunok ko ang panghulihang kagat ng burger ko bago siya tingnan.
Ba't ba pumasok na naman sa usapan na 'to ang lalaking 'yon pati na rin ang papa niyang kalbo?!
Hindi ko siya sinagot at muli na lang sumubsob.
Kung kanina natitiis ko pa ang inis ko, ngayon lumagpas na ata!
Nang hapon din na iyon ay napilitan akong sumama kay Kahiya para maghanap ng gown sa shop ng Mommy niya. Noong isang araw pa sana 'yong schedule ko kaso na-busy ako kaya ngayon na lang. Good thing sinamahan ako nina Caily.
"Ito Lara maganda. Halatang hindi babagay sayo,"
Tiningnan ko ng masama si Caily na nakaturo sa isang gown at tinaasan siya ng daliri.
Kasalukuyan na kaming naghahanap ng gown na siyang babagay sakin.
Kahiya's mother shop is breathtaking. Lahat ng gown na nakikita ko ay kumikinang. Halatang mamahalin.
Ang interior design naman ay talagang bumabagay sa lahat ng napaloob sa shop na 'to. Nakakatakot tuloy hawakan dahil baka mabasag o masira.
"Hi, ladies! Nakapili na ba kayo ng gowns?" sabay kaming napa-ayos ng tayo at napatingin sa Mommy ni Kahiya na nakangiti sa harap namin.
Napaka elegante niyang tingnan. Nakakahiya at kinakailangan niya pa kaming i-assist sa araw na 'to.
I know Kahiya's Mother is busy. Dahil na rin sa clothing line nilang patok na patok mula pa noon.
"Lara is having a hard time picking, Mom," mungkahi ni Kahiya habang nakasandal sa isang mannequin.
Nahiya tuloy ako ng kunti. Hindi naman sa panget o hindi maganda ang mga gowns.... sa katunayan nga ay sobrang ganda ng mga 'yon pero wala pa talagang napupusuan ang mga mata ko don.
"Hmm and why is that? Hindi mo ba nagustuhan ang mga gowns dito, ija?" malapad na ngumiti ang Mommy ni Kahiya at tinapik ang balikat ko. "Don't worry, its just a peek."
At tama nga ang sinabi niya dahil ilang segundo lang ay nasa pangalawang palapag na kami ng shop nila at kung kanina puro magaganda ang nasa baba, dito sa taas ay sobrang ganda na to the point na parang ayaw ko ng pumili.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Novela JuvenilLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...