Chapter 49:
"Bakit ka mag s-switch ng strand?"
Sandali akong binalingan ni Stan na busy sa ginagawa at kinindatan. "I want to become a better person for you."
"Oh, tapos? Anong connect non sa strand natin?" kuno't noong tanong ko.
"Basta! Just wait and see, miss puno-ng-sama-ng-loob," sabi niya at tumalikod na.
"K. Hindi ka pa ba tapos dyan? I'm starving, mr. gawin-mo-kong-pahingahan." sabat ko kaya natawa siya at nagsimula ng maghain sa harap ko.
"Happy eating!" aniya kaya tinanguan ko lang siya at nagsimula ng kumain.
Kanina pa ko nagugutom! At buti na lang walang kupas ang kagalingan ni Stan sa pagluluto dahil masarap palagi ang nakakain ko.
Kinareer ang pagiging aspirant chef nya. At oo, umiral na naman ang karupukan ko kaya ako nakipagbalikan sa kaniya. Alam kong mali pero wala akong maggawa. Basta ang mahalaga, mahal namin ang isat isa.
We've been hiding our relationship in a months na. Kumalat na rin kasi ang balita na magkapatid kami ni Stan. Sa galing ba naman ng marites sa paligid, ay talagang bibilis ang balita.
Umabot pa nga sa campus, so Stan and I decided to act like a separated-couple kaya ang tingin ng mga kaklase namin at ng mga estudyante samin ay hindi kami in good terms.
Kahit sina Caily ay walang kaalam alam. Ang akala din nila ay break na kami ni Stan so mas naging mainit ang mga mata ng iilan samin non lalo na nong lumipat si Stan ng strand.
"Uwi na ko, Stan! Baka hinahanap na ko nina Papa." paalam ko nang makitang madilim na pala sa labas.
"Hatid na kita?" alok niya habang nakasuot pa ng apron at may hawak hawak na spatula.
"Wag na, Stan. Kaya ko naman. Mag iingat ka rito."
"Yes, miss! Roger that." saad niya kaya umalis na ko at nagpasundo sa driver ni Papa.
Pagkauwi sa bahay ay agad akong tumungo sa silid ko at tumawag sa kaniya pero hindi siya sumasagot. Nagsisimula na naman tuloy akong maparanoid.
What if manakawan sya? masunugan? or what?! Nag iisa lang siya sa apartment!
Actually apartment naming dalawa yon. Nong mag act kaming hiwalay na ay yon ang naging tanging lugar kung saan kami nagkikita.
Sinubukan ko ulit tawagan siya pero cannot be reach so ang linya naman ng apartment niya ang tinry ko pero wala din.
"Ate Lara, kakain na raw!" dumungaw si Remy mula sa pintuan kaya muntikan ko ng mahulog ang cp ko dahil sa gulat.
"Susunod ako Remy pakisabi," sabi ko kaya tumango lang siya at bumaba na.
Ako naman ay muling kinontact si Stan. Nakakapanibago kasi. Dati naman, isang tawag ko pa lang sa kaniya ay sinasagot niya na. Ngayon kahit anong ring ay wala. Hanggang sa sumuko na lang ako at bumaba na.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Dumaan pa kasi ako sa apartment para tingnan kung may tao pero nakalock yung pinto.
"Good Morning, Lara! Ang aga mo ah! Pero parang puyat na puyat ka. You want tea? or coffee?" agad na bati ni Kape kaya awang labi ko siyang binalingan.
"May tea ka?" nakakagulat! Puro kape lang naman kasi dala nito tas thermos tapos---
"Wala.... " iling niya kaya napatampal ko sa noo ko at umupo na sa upuan ko.
"Sige, coffee na lang... "
"Coming up!" sigaw niya at nagtimpla na. After non ay sunod sunod ng pumasok ang mga kaklase namin.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...