Chapter 43:
"Umakyat ka na sa taas at magpahinga, Lara. Dadalhan na lang kita ng makakain don."
Tipid kong nginitian si Tita at tumungo na sa taas. Nanghihina akong napaupo sa kama ko at napahawak sa puso ko.
Pagkatapos akong himatayin kanina ay parang lahat ng lakas sa katawan ko ay biglang nawala. Lahat ng determinasyong naipon ko para labanan ang sakit ko ay biglang naglaho.
Paano ko lalabanan ang sakit ko eh wala naman palang kasiguraduhang gagaling ako. I want to have a normal live. Gusto ko pang makasama sina Papa, ang mga kaibigan ko at si Stan.
"Ate Lara,"
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng kwarto ko nang dumungaw si Remy don.
"Bakit, Remy?"
"Can I come in?" tanong niya kaya tumango ako.
"Oo naman," umusog ako at tinapik-tapik ang bakanteng espasyo sa tabi ko. "Halika dito."
In that cue, mabilis siyang tumakbo sa pwesto ko at mahigpit akong niyakap. Sa sobrang higpit non ay napahiga na kami sa kama.
"May problema ba, Remy?" mahinahong tanong ko habang hinihimas ang likuran niya. Umiling siya at mas lalo lang yumakap sakin.
Napailing na lang ako at hinayaan siyang yakapin ako hanggang sa magsawa siya.
"I heard Mama and Papa talking about you," mahinang aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong meron sakin?" kuno't noo kong tanong.
"Are you sick?" naiiyak ng tanong niya kaya mabilis kong tinuyo ang mga luha sa mata niya.
"Hindi,"
Hindi na kailangang malaman ni Remy at ninuman. Itatago ko tong sakit ko hanggang kaya ko. Ayokong makapag perwisyo ng iba. Ayokong mag alala pa sila.
Kumalas si Remy mula sa pagkakayakap sakin at umupo sa gilid ko. He pouted his lips and bend his head over.
"You are. Mama wouldn't cry like that if you're not"
Napapikit ako ng mariin at napamasahe sa noo ko.
Kapag sinabi ko ba ang lahat kay Remy, maiintindihan niya? Masiyado pa siyang bata... gusto ko mang sabihin pero bawal.
"I'm not sick, okay. Malusog na malusog ako. Baka ibang tao ang tinutukoy nina Papa at hindi ako," pagtanggi ko pero mas lalo lamang kumunot ang noo niya at tiningnan ako.
"They mentioned your name!" nagsimula ng tumaas ang boses niya kaya napabuntong hininga na lang ako at hinimas ang ulo niya
"Hindi lang ako ang may pangalang Lara dito, Remy," pilit kong pina intindi sa kaniya ang lahat hanggang sa makuha niya ang pinupunto ko.
Gaya nga ng sinasabi ko dati. Matalinong bata si Remy sa batang edad kaya ang hirap ipatindi sa kaniya ang lahat. Hindi niya naman kailangan malaman pa.
From: Stan
Galit ka pa rin ba? Bati na tayo, mahal. Sagutin mo ang mga tawag ko, please.
Sandali kong tinitigan ang mensahe galing kay Stan at napabuntong hininga na lang.
Should I tell him?
Boyfriend ko siya... siguro naman kailangan niyang malaman?
"Hindi na niya kailangang malaman pa."
Agad na napunta ang tingin ko sa taong nakapamulsang naglalakad papalapit sakin.
"Papa...." mahinang sambit ko.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...