Chapter 9:
Pagkatapos ng bangayan namin ni Aina ay lumabas na kami at naghanap ng masasakyan.
Sabay kaming napahiyaw ni Caily nang may biglang pumreno na tricycle sa harap namin.
"HOY KILALA MO BA KUNG SINO BINABANGGA MO!?" OA na sigaw ni Caily.
Napahawak tuloy si Remy sa laylayan ng damit ko. Natakot yata.
"HINDI, AKO BA KILALA NYO!?" sigaw din nong driver kaya mabilis kaming umiling ni Caily.
Sa laki ba naman ng katawan nito sinong hindi mapapailing.
"HINDI PO!" we said in unison.
"OH, YON NMAN PALA EH, PAHARANG HARANG! TABI!------ "
"Amp, nagmamadali!? " reklamo ulit ni Caily nang muntikan na naman kaming masagasaan.
Hinigit ko na siya at dumiretso na kami sa sakayan ng jeep.
Baka kasi masuntok pa kami non pag hindi pa kami umalis.
Sumakay na kami sa jeep at kung sinuswerte ka nga naman ay kunti palang ang sakay non.
Pumwesto kaming tatlo malapit sa pintuan. Nang umusad na ang jeep ay may nerbyosong nang holdap samin.
"H-HOLDAP 'TO UH T-TUMAYO KAYONG LAHAT!" sigaw nito kaya napairap ako.
"Paano kami tatayo eh ang liit nitong jeep? Edi nauntog kami diba." sabi ko.
"AH, BASTA HOLDAP 'TO! AKIN NA LAHAT NG PERA NIYO!" naglabas pa siya ng baril kaya nagsitilian na ang karamihan.
Ako naman ay napatakip na lang sa magkabilang tenga ko. Isang tingin ko pa lang sa kaniya ay alam ko ng paminta siya. Hindi nga siya mukhang holdaper eh kaya feeling ko napilitan lang, mukhang scripted pa yong lines.
Sa sobrang kaba niya ba naman ay nahulog niya yung baril at sa sobrang kaba din nong katabi niyang pasahero ay kinuha niya yung baril at binalik don sa holdaper.
"Ay obobs." bulong ni Caily. Halos ibulong ko rin yon kung hindi lang sakin nakatutok yong butas nong baril.
"IBABA MO ANG BARIL MO! POLICE AKO!" sabay kaming napalingon sa lalaking nakasuot ng leather jacket at leather cap.
Hindi makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng sombrero niya. Pero pamilyar ang boses nito!
"Ibababa na po!" tili nong baklang holdaper bago ihulog sa sahig yung hawak na baril at sinipa patungo sa Mamang Pulis. "Para po!"
Huminto yung jeep kaya dali daling bumaba yung baklang holdaper.
Mukhang estudyante palang din 'yon dahil may suot suot pa itong uniporme.
Nahulog pa ang ID nito sa harap ko. Ibabalik ko pa naman sana sa kaniya yon kaso nakatakbo na.
"Kayn Ryu Protacio." basa ni Caily sa pangalan. "Lalaking lalaki yung pangalan pati na rin yung apelyedo pero taliwas naman nito yung gumagamit."
"So true lang!"
"He's a crazy holdaper po! " singit din ni Remy.
Umusad na ulit yung jeep at lahat ng nakasakay sa jeep ay nagpasalamat sa mamang police maliban saming tatlo ni Caily.
"Hindi naman ho ako police." sagot nito nang tanungin siya ni Mamang Driver.
Hinubad nito ang suot na leather jacket at binigay sa batang katabi niya.
Sunod nitong hinubad ang sumbrero nito at yawa,
"Kuya Stan?"
" Stan mah baby!!!"
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...