CHAPTER FOURTY

46 5 0
                                    

Chapter 40:

"Lara, pwede ba naming maggamit ang guestroom niyo? Masama na kasi pakiramdam ni Kiro."

Nag aalala kong tiningnan si Kiro na natutulog sa couch pagkatapos tanguan sina Caily. Magkatulong na inalalayan nina Stan si Kiro patungo sa taas. Kumuha ako ng palanggana na may maligamgam na tubig at inabot iyon kay Caily na agad pinunasan si Kiro. Nagpahatid na rin ako ng gamot para kahit papaano ay mabawas-bawasan ang nararamdaman niya.

"Sinabihan ko na kayo kanina na pagpahinganin na si Kiro pero di kayo nakinig," siningkitan ko sila ng tingin pero nagsi-iwas lang sila maliban kay Stan na nakangiti pa.

"Wala kaming magagawa kapag ayaw ni Kir---- "

"Tinanong ko ba opinyon mo?" agad na natikom ni Stan ang bibig nang sambitin ko yon at nakangusong sumandal sa balikat ko.

"Lara naman... akala ko ba bati na tayo?"

"Sino nagsabi?" napatingin siya sakin at napakamot sa buhok niya.

"Ikaw, sabi mo bati na tayo pagtungtong ng alas nuebe,"

"Alas nuebe ng umaga hindi gabi." pagtatama ko at tumayo na para bumalik sa baba. Mahirap na at baka hanapin na naman ako nina Papa at Tita Evangeline.

Pero bago yon, dumaan muna ako sa kwarto ko para kunin yung regalo ko kay Remy. Dumaan na rin ako sa kwarto niya para tingnan kung nandon siya. Knowing Remy, hindi nakikisalamuha sa mga tao yon.

"Remy? Nandyan ka ba?" kumatok ako sa pintuan niya. Nong unang katok ko hindi siya lumabas. Nang muli akong kumatok pinagbuksan niya na ako.

"Just leave if you are going to disturb me, Ate Lara." pambubungad niya sakin kaya mabilis ko siyang nasapak.

Napakawalang modo talaga ng batang to. Dati halos isang buwan ko siyang sinuyo para patawarin niya na ako pero wala siyang say!

Pinatawad niya lang ako nong nalaman niyang kami na ni Stan. Hanep na bata yan may bias.

"Don't english english me dahil baka masapak kita ulit," umupo ako sa kama niya at inabot ang pinakatinatago ko. "Oh, regalo ko."

"Ano 'yan?" curious na tanong niya habang nakaturo sa box na hawak ko kaya napangise ako.

"Condom,"

"Ate Lara!" mabilis siyang lumayo sakin at namumulang siningkitan ako. "You're pestering me again!"

"Mas piste ka!" tiningnan ko din siya ng masama at lumapit sa pwesto niya para pingutin siya. "Marunong ka ng magmura ah. San mo narinig yan?"

"Did I cussed?" kuno't noo niyang tanong kaya mas diniinan ko pa ang pagkakapingot sa kaniya.

"Oo, sabi mo Im pestering! Diba piste ang ibig sabihin non?"

"No!" kumawala siya sakin at sumampa siya kama niya. "Don't come near me!"

"Edi wag." umirap ako at umupo sa couch niya. "Ba't ka nga ba nandito at nagmumuni-muni? Diba dapat nasa labas ka at nakikiparty?"

"I don't feel like partying," he shrugged.

"Why not coconut?"

"Because mommy and daddy is busy dealing with those bwesitors!" nakangusong sigaw niya kaya natawa ako.

"Wow, natututo na ang bata, " mas lalo akong natawa at binigyan siya ng thumbs up. "Good yan!" sabi ko ngunit inirapan niya lamang ako at inabot ang libro niya upang magbasa pero inilayo ko papalayo yon.

Buong araw puro libro ang kaharap niya. Minsan tuloy hindi na nakakapagtaka ang katalinuhan niya sa murang edad.

"Give it to me, Ate Lara!" tinampal ko ang kamay niya at inilingan siya.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon