CHAPTER TWENTY THREE

43 5 0
                                    

Chapter 23:

"Stan, balutin mo ng maayos! Baka hindi dumikit! "

Napapanguso na lang si Stan habang marahang binabalot ang hiniwang saging sa wrapper.

"Hindi dumidikit!" aniya kaya natatawa akong kumuha ng wrapper at tinuruan siya ng tamang proseso. Mali mali kasi ang pagkakagawa niya kaya bumubukas.

"Pahiran mo ng tubig!" saad ko na agad niya namang sinunod.

Pagkatapos kong mag almusal ay siningil niya na ako ng siningil. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan ko. Ilang linggo na raw kasi ang lumipas tungkol sa utang kong turon para sa kaniya.

Sa dami kong problema ay nakalimutan ko na. Buti pinaalala niya.

Mabagal akong nanghihiwa nang saging, siya naman ay nagbabalot nang biglang pumasok si Caily kasama sina Dysea na agad kaming inulan ng pang aasar.

"Naks naman! Para kayong nagbabahay-bahayan. Mag asawang mag asawa ang dating!" biro ni Caily. Agad ko siyang tiningnan ng matalim at pabirong inambahang sasaksakin nang magtago siya sa likod ni Stan na nag co-concentrate sa pagbalot. "Lara, joke lang eh! Ba't ka ba mananaksak!"

"Bakit ba kayo nandito?" takang tanong ko habang binabalatan na ang ilang saging.

Sobrang liit ng kusina ko gayong andami namin. Hindi naman kasi kalakihan ang kusina ko kaya kunti na lang ay magsiksikan na kami.

Nakalimutan ko ring maglinis kaya panigurado nandidiri na sila. Laki sa yaman pa naman sila. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila kaya hindi ako handa.

"Ay disappointed?" tumawa si Kahiya sabay hawak sa bandang puso niya.  "Nakakasakit ka na, Larababes. Ayaw mo bang nandito kami?"

Inirapan ko sila at lumapit sa basurahan para itapon ang mga balat ng saging.

"Wala na naman siguro kayong maggawa kaya dito na naman kayo magkakampo," sabi ko sabay upo sa tabi ni Caily para magbalot.

Si Caily ay naghihiwa na, sina Dysea at Kahiya naman ay sinusunod ang ginagawang pagbalot ni Stan.

"Medyo..." sinulyapan ako ng tingin ni Dysea ng nakanguso. "Ang totoo niyan nandito kami dahil utos ni Stan,"

Nabitawan ko ang hawak na wrapper at taka siyang tiningnan.

"Huh!?" sinulyapan ko ng tingin si Stan para tanungin pero nasa wrapper pa rin ng turon ang buong atensyon niya. "Utos? Para saan?"

Ano na naman ang pinaplano ng hapon na 'to!?

Hindi ko mabasa basa ang nasa isip niya. Ano ba ang pinaplano niya at kinakailangan niya pang utusan ang tatlong 'to?

"Para sa pageant. Huminge siya ng tulong samin," sagot ni Caily.

Tumaas tuloy ang isang kilay ko at mataray silang tiningnan. "Hindi pa naman ako umu-o kay Ma'am Kikay ah!"

"Girl? Waley ka ng kawala. Nailista na ni Ma'am Kikay ang namelalo mo 'no, " pag ga-gay talk ni Kahiya kaya unti unti na akong nanlumo.

"Ano bang meron sa pageant at huminge pa ng tulong sa inyo tong hapon na 'to?" tinuro ko na si Stan kaya napunta na ang atensyon niya sa amin.

Napakamot si Dysea ng noo niya bago kami sulyapan. "May talent portion kasi... and Stan want us to help you both. Hindi kasi pwede kung magkakaiba ang gusto niyong talent. Dapat parehas kayo-----"

"Should we try dancing?" pagpuputol ni Stan sa sasabihin nito. Natawa tuloy si Kahiya dahil ang sama sama na ng tingin nito kay Stan na parang hindi man lang naiilang sa masamang tingin ni Dysea.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon