CHAPTER TWENTY FIVE

42 5 0
                                    

Chapter 25:

"Bahay niyo ho 'to?"

Mangha akong nakatingala sa bahay na nasa harapan ko. Napakalaki non at halatang napag planuhan ng maayos. Kumikinang pa ang ilang parte non tuwing natatapatan ng ilaw at sinag ng araw!

"Yes, ito ang bahay na ipamana sakin ng Lola't Lolo mo," tango ni Papa kaya napaawang ang labi ko.

"Ang laki.... nakakapangliit naman tumira dyan," kinagat ko ang pang ibabang labi at mahinang nagsalita. "Nasan na ho sina L--lolo at Lola?"

"Kasalukuyan silang nasa Japan ngayon kasama ang pinsan mo," mabilis siyang ngumiti at iginaya ako papasok. "Pero huwag kang mag aalala dahil uuwi rin sila dito sa kaarawan ni Remy... at para na rin makita at makilala nila ang nag iisang apo nila na babae."

Nag-iisa?

"Ako lang ho yung apo nilang babae?" tanong ko habang nililibot pa rin ang tingin.

This house is huge!

And all I can see is gold. Ang yaman yaman nila sobra Nakakasilaw!

"Yes, Lara. Lucas didn't make it but I did." proud pa siyang ngumise kaya napakamot na lang ako sa batok ko.

Mukhang isang kompetisyon sa kanila ang pagkakaroon ng anak na babae.

"Ate Lara!"

"At last...."

Mabilis na naggawi ang mata ko sa dalawang taong kanina pa hinahanap ng mga mata ko.

Naka upo sila sa sala at nanonood ng netflix.

"Magandang hapon ho," bati ko.

"I've been waiting for you Lara..... " ngumiti si Mrs. Avalor at pinaupo ako sa tabi niya. "What took so long, Lucan!?" sumingkit ang mga mata nito kay Papa na kakaupo lang sa tabi ni Remy.

"It's a long story Evangeline... it's better to shut my mouth than let Lara suffer from humiliation," sabi nito kaya patago kong sinubsob ang namumula kong mukha sa naabot kong unan.

P*steng pantog kasi 'yon!

Hindi nakikisama!

Ilang beses ba naman humihinto ang sasakyan kanina dahil sakin. Hindi pa umiinit ang pwetan ko kakaupo ay umiinit naman ang puson ko dahil sa ihi!

Sinubukan kong pigilan iyon ng ilang beses pero nanginginig talaga ang tuhod at katawan ko.

Kapag nararamdaman kong hindi ko na mapigilan ay pinapahinto ko ang sasakyan at naghahanap naman ng maiihian.

"C'mon Lara, lets cook! Oh my god, a tandem in kitchen. What a coincidence!" parang batang nag cling sa braso ko si Mrs. Avalor.

Iginaya niya ako patungo sa kusina at hinanda ang mga lulutin namin.

"Hmm, black pepper check, ground beef check, chicken check..... "

Kinakabahan kong hinugasan ang kamay ko.

Shucks this is it! Dati meryenda lang ang niluluto ko, ngayon pang dinner na!

Naninibago tuloy ako dahil baka hindi pumatok sa taste nila.

"Lara, can you hand me the milk?" inabot ko ang gatas na nasa harap ko kay Mrs. Avalor at binuksan na ang stove.

Ingredients already prepared, same as the dishes we are going to cook.

Mrs. Avalor is in charge with some japanese food.

Hinanda ko na ang baboy sa kaserol, kasabay ng pag prito ko sa tatlong tilapia.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon