CHAPTER THIRTEEN

58 7 3
                                    

Chapter 13:

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsink in sakin lahat.

Parang kailan lang ay pinapanood ko lang siyang maglaro sa bayan, ngayon pinapanood ko na siyang magpaalam sa harap ng puntod ng Lola ko.

Hindi bilang kaaway ko kundi bilang lalaking may tinatagong pagsinta sakin.

"Hi Lola, ako nga pala si Stan. Kaibigan ni Lara ngayon, manliligaw niya na mamaya." nakatalikod si Stan sakin, kinakausap niya si Lola.

Ako naman ay nasa likod niya at naiiyak siyang pinapanood. Hindi ko inaasahang dadating ang araw na 'to. Masiyadong unexpected.

"Nandito po ako ngayon sa harap niyo para formal na magpaalam bilang pagrespito sa angkan niyo, at sana payagan niyo akong ligawan siya. Alam kong mahirap po ang ginagawa at ipapagawa ko pero lola... sana magbigay ka ng sign kung payag kang ligawan ko siya. Gustong gusto ko po ang apo niyo, eh." sabi nito na siyang ikinatawa ko.

Mahirap nga ang pinapaggawa niya. Kung sakaling mangyare nga 'yon ay baka nagtatakbo na kami paalis dito.

"Pero mas maganda siguro kong huwag na lang, Lola." nakangiting saad nito dahilan para mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.

Napakabago nito sakin. Siya pa lang ang kauna-unahang lalaking sobra ng nag effort para sakin.

Kung humingi ito ng blessing sa Lola ko ay parang ikakasal na kami, eh manliligaw pa lang naman siya.

Pagkatapos niyang kausapin ang Lola ko ay nagpaalam muna siyang umalis, may kukunin lang daw siya at ito nga ako ngayon, maimting siyang hinihintay habang inaaliw ang sariling kausapin si Lola sa harap ng libong taong nawala sa mundo ng may ngiti at puot sa mga labi, saksi ang papalubog na araw.

Mahina akong napaigtad nang may lumapat na tela sa balikat ko, pagtingin ko jacket.

Jacket ni Stan.

"Nilalamig ka pa ba?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

Mabilis akong umiling at inayos ang pagkakalagay non sa balikat ko.

"Ano 'yan?" turo ko sa ilang plastik na dala niya.

"Pagkain," ngumiti siya at nilabas iyon sa lalagyan. "Nasisiguro ko kasing magugutom ka na."

Napangiwi ako. "Ganon na ba talaga ako ka patay gutom sa paningin mo?"

Alam kong buraot at mukhang pera ako pero hindi ako patay-gutom 'no. Umaabante kaya ang mga bituka sa tiyan ko tuwing nakaka amoy at nakakakita ako ng pagkain lalo na kung hindi kaaya-aya sa paningin ko.

"Oo," tango niya at inabot sakin ang isang styrofoam na may lamang spag at chicken joy.

Kung hindi ko pa tiningnan ng maayos 'yon ay hindi ko pa malalaman na jollibee pala 'yon.

"Drive thru?" tanong ko habang nakatingin lang don, hindi ko napansin iyon kanina o baka masiyado lang talaga akong pre-occupied para hindi mapansin 'yon .

"Hindi, inorder ko kanina 'to nong nasa flowershop palang tayo." nakangiting saad niya. Mas lalo tuloy siyang gumagwapo dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Mas lalong lumutaw ang pagiging hapon niya. "First date natin 'to. Kaya gusto kong maging special at memorable sating dalawa 'to."

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Mula kanina ay sarili ko lang ang iniisip niya.

Hindi ko nga alam kong okay pa ba sa kaniya ang mga pinanggagawa niya dahil para sakin ay sobra sobra na.

Sapat na sakin ang magpakilala siya bilang manliligaw ko sa Lola kong nakaburol na at hingin ang basbas nito.

"Nakakailang kumain, feeling ko andaming nakatingin kahit wala naman." tumawa ako at nagsimula ng kumain.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon