Chapter 44:
"Hmmm, it tastes good, Obaasan. It's been a while since the last time I tasted your delicious dishes."
Puno ng pag-iingat kong nginuya-nguya at nilunok ang lahat ng kinakain ko habang nakikinig sa bawat kwento nila.
"Okay ka lang?" bulong ni Stan sa gilid ko kaya mabilis akong umiling at bumulong din sa kaniya.
"Mukha ba akong okay? Para akong tinotustang isda dito sa mesa," pasimpleng kong sinilip yung babae sa harap ko at ganon na lang ang laking gulat ko nang mahuli din itong nakatingin sakin.
"Ganyan talaga siya. Masanay ka na." tango lang ang iginawad ko kay Stan at tahimik na ulit na kumain.
Actually, gutom na gutom na talaga ako at gusto ng kumain ng mala pg in short for patay gutom pero nahihiya ako sa babaeng kanina pa ko tinitingnan. As in! Kung tingnan niya ako para akong may krimeng ginawa.
At kung siya talaga ang Mama ni Stan ay tiyak na hindi kami magkakasundong dalawa dahil kilay niya palang parang di na rin magkasundo.
"Masarap talagang magluto itong girlfriend ng anak mo na si Lara, Aira. Masipag na bata rin ito. Dati ko siyang kapit-bahay at talagang napakabuti niyang tao," masayang pahayag ni Lola Linda kaya mas lalo akong napayuko dahil nararamdaman ko na naman ang mainit na tingin nong babae!
"Oh, I see." ngumiti ito at inabot ang wine na nasa gilid. "Akala ko kanina ay isa lamang siya sa kasambahay mo, Obaasan. She's nothing compared to my son's exes in Yokohama. She's pale and hideous. Hindi ko lubos akalaing siya pala ang ipinaglalaki sakin nitong si Stan--- "
"That's enough, Mom!" puno ng penalidad na sabi ni Stan bago tumayo. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa ginang.
Napalabi ako at pasimpleng pinahiran ang namumuong luha sa mga mata ko.
I never expected that this would happen. I came here without realizing or being aware of what might occur or what was going to happen. I arrived completely unconsciously, not fully understanding the situation or the implications of being here.
Huminga ako ng malalim at inabot ang kamay niyang nasa mesa at pinisil pisil iyon para pakalmahin siya.
"What? I'm just telling the truth, son." painosenteng saad ng Mommy niyang kampante lang na nakaupo habang sumisimsim sa wine niya.
"Is telling the truth means insulting my girlfriend?" may diin sa bawat salitang binibitawan ni Stan kaya nagmamakaawa na akong tumingin dito para patahimikin na siya. Ayokong lumala pa ang gulong to! "Hindi ko siya dinala rito para insultuhin mo!"
"I'm not insulting her. I'm just describing her, son." nakangiting saad ng Mommy nito.
"Ang layo ng deskripsyon mo! Respito naman sa girlfriend ko!" Stan suddenly shouted so I hurriedly get up and stop his armet.
"Tama na, Stan..." bulong ko dito pero umiling iling lang siya at marahang hinawakan ang kamay ko sa braso niya.
"Nirerespito ko si Lara, Mom! Nangako ako sa puntod ng Lola niya ng paulit ulit na hindi ko siya hahayaang saktan o insultuhin ng nino man pero guess what? Ikaw na sarili ko ng ina ang siyang nag insulto pa sa kaniya! How can you be so cruel!?" inis na sigaw ulit ni Stan kaya kinabig ko na siya at niyakap ng patagilid.
Umiiyak akong napasubsob sa dibdib niya habang paulit ulit na sinasambit ang salitang tama na pero hindi. Mas lalo lang lumala!
"Huwag mo kong sigawan, Stanniel Shutasizumoki! I'm still your mom!" galit ng tumayo ang Mama ni Stan at padabog na ibinaba ang champagne glass na hawak.
BINABASA MO ANG
Fearless Tomorrow
Teen FictionLaralinnett "Lara" Antolo is a strong and independent person who has been living on her own since she was very young. She lost her parents when she was just a child, and her only family left was her grandmother. But even her grandmother couldn't sta...