CHAPTER FIFTEEN

43 7 3
                                    

Chapter 15:

"Ate Lara!"

Napayuko ako at napahawak sa magkabilang tuhod ko nang matanaw si Remy sa gate ng bahay nila.

Mabilis akong kumaway at patakbong lumapit sa pwesto niya. "Remyyyy! Mommy mo?"

"Nasa sala sila ni Daddy. Hinihintay ka." sagot niya na halos ikaliyo ko.

Shit! Kasalanan to ni Mamang driver eh. Pasikat mag drive 'yan tuloy naflatan!Kailangan ko pa tuloy maglakad papunta dito.

"Hala, bakit naman? Ayoko, Remy. Katakot ng Daddy mo," napayakap ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya.

Hindi pa ako handang makilala ang Daddy niya! Masiyado akong naiilang sa presensya nito eh hindi ko naman ito kaano ano.

"Chill, Ate Lara," tumawa si Remy at binuksan ang gate. "Daddy just wants to meet you."

"Nagkabalikan na sila ni Mrs. Avalor?" chismosang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Maybe? I haven't seen them fight since Daddy got back."

"Ay, palagi silang nag-aaway dati?" tanong ko nang makapasok.

Sumunod naman siya sakin at itinapon ang balat ng saging kinakain niya.

"Yes po,"

"Marupok...."

"No. Mommy is not marupok. She just really love my Daddy." iling niya. Kuno't na kunot pa ang noo niya kaya hindi ko mapigilang matawa.

Para siyang nag-iisip ng malalim.

Sumandal ako sa nakasarado nilang pintuan at tiningnan siya. Siya naman ay napahinto at kurap matang nakatingin sakin.

"Remy, what if ampon ka lang?"

Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko. Ilang beses pa siyang kumurap kurap na parang naiiyak na.

Nagsimula na ring mamula ang mata at ilong niya mabilis ko siyang dinaluhan at niyakap nang umiyak na nga siya.

Nagbibiro lang naman ako!

"Lara, what if sisantehin kita?" mas lalo akong nanlumo nang makita si Mrs. Avalor na nakapamewang malapit sa pintuan.

"Oh, Mrs. Avalor! Nandiyan ka pala. " peke akong tumawa at marahas na hinimas himas ang ulo ni Remy. "Ikaw naman po hindi mabiro!"

"I was joking either. Come on, meryenda is ready," ngumiti siya at pinapasok na kami.

"Hala, nakakahiya naman po," saad ko nang makita ang asawa niyang naghahanda sa kusina.

Nakatalikod ito sa pwesto ko kaya hindi ko gaanong makita ang ginagawa niya pero sigurado akong may niluluto siya dahil nakasuot ito ng apron.

"Don't be," sabi niya at may panunuya akong tiningnan. "Akala ko ba walang hiya ka, Lara?"

"May hiya pa rin naman ho ako kahit papaano," sabi ko kaya natawa siya ng marahan.

"Hon, this is Lara, Remy's tutor and Lara this is Lucan, my husband,"

Marahan akong ngumiti sa Daddy ni Remy nang ipakilala kami ni Mrs. Avalor sa isa't isa.

Hindi na rin ako nakatanggi pa nang inanyayahan niya ulit akong mag meryenda sa kanila.

Ang plano ko lang sana sa araw na ito ay ang i-tutor si Remy. Wala sa plano ko ang sumabay ng pagkain sa kanila.

Ilang beses ko pang pinigilang huwag mailang dahil panay ang sulyap nito sakin. Nako-conscious tuloy ako dahil baka may dumi o kakaiba sa mukha ko.

Fearless Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon