Chapter 8-
Nandito parin sa loob ng kwarto si rukawa, still binabantayan ako na parang bata. Meron nga rin itong dalang pagkain nang lumabas ito kanina para kumuha ng pagkain na para dito mismo, pero pagbalik niya sakin lang ang dinala dahil busog paraw siya. Pero dahil wala talaga akong ganang kumain ay nakalagay parin sa table sa mini salas ko ang pagkain na dala niya.
" Wala kaba talagang balak kumain hanna?" Iritang tanong nito, nakakunot na ang noo nito at iritang nakatingin sakin. Mukhang hindi nagugustuhan ang ginagawa ko. Hay!
" Wala nga talaga akong gana, pwedeng bukas nalang." Nababagot na pakiusap ko dito. Nakahiga na ako sa kama ko, tapos narin akong maligo kaya parang dinadalaw rin ako ng antok, marahil iyon ay dahil sa pag iyak ko kanina.
" Ginugutom mo ang sarili mo, hindi mo ba alam na masama sa kalusugan ang ginagawa mo." Ramdam ko ang pagtitimpi ng galit nito sa ginagawa ko. Pero wala naman itong ginagawa ko kundi tignan lang ako ng masama.
" K. Fine, kakain na ako. Basta, wag mong ipipilit na paubos iyan." Aniko bago padabog na umalis mula sa kama ko. Tumango naman ito bago nginuso ang dala niyang pagkain, umirap nalang ako sa kanya.
Psh! I hate ampalaya.. naiinis na tinignan ko ito, nananadya ba siya? Kaya pala tinatanong ako kanina kong ano ang PINAKA AYAW kong gulay, iyon naman pala iyon ang iseserve sakin.
" Nananadya kaba rukawa?" Sinamaan ako nito ng tingin kaya umingos ako. Bilin kasi nito sakin na tawagin ko raw siyang kuya dahil mas matanda raw siya sakin ng isang taon. Hay, kung kailan nasanay na sa pagtawag sa pangalan niya, tsaka naman babaguhin.
" Ayoko ng gulay. Bakit naman ito pa? Papatayin mo ba ako?" Inis na tanong ko. Tinaasan naman ako nito ng kilay bago minuwestra ang kutsarang nasa plato ko sabay subo sakin. -.-
" Kumain ka o sasabihin ko kay sakuragi na may gusto ka sakanya." Ay, tinakot daw ba ako? Mas bet ko nga na malaman niya na ang totoo e. Pero kapag naiisip ko na ako lang pala ang nag mamahal saming dalawa, umuurong ang tapang ko. -.-
" tss. As if, takot akong malaman niya." Pang iinis pa na sabi ko sabay subo sa kutsarang hawak hawak niya parin habang nakatapat sa bunganga ko. Halos maduwal ako sa pait ng lasa kaya natawa ito.
" Waa. Eww, hindi ko talaga kayang *vomitting* ." Napasuka na ako sa lasa kaya halos tumalon naman ang isa mula sa pagkakaupo. Gusto kong matawa sa naging reaction nito pero dahil busy talaga ako sa pagsuka ng kinakain ko,isama mo pa na lumuluha na ako.
" Argh! Kadiri ka talaga." Anas nito na kinasama ko ng tingin sa kanya. Ako pa huh? Ako pa talaga? Siya naman ang may kasalanan kong bakit ako nagkakaganito.
" Ayoko na kasi iyan. Mas gugustuhin ko pa ang salad, kesa diyan." Itinabi ko ang plato ko sa gilid bago ibinigay sa kanya. Nandidiri naman itong kinuha iyon.
" Ganito pala kahirap magkaroon ng kapatid na bata?" Bulong na sabi nito, pero mukhang pagpaparinig ang ginagawa niya e.
" Dalhan mo nalang ako ng veges salad. But,please wala na sanang ampalaya. Tsaka lettuce with mayonaise on top." Pahabol na Request ko pa, napabuntong hininga ako at muling nahiga sa kama. Late na akong kumain, este hindi pa pala ako totally nakakakain dahil sa ginawa ni kuya. Hayys!
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...