Chapter 13
' Maaga akong nagising kinabukasan, dala narin ng excitement na nararamdaman ko. Iwan ko ba, feel ko kasi magiging maganda ang buong araw ko ngayon. Bumuga ako ng marahan na hangin bago kinuha ang bag ko mula sa aking kama, pagkalabas ko ng kwarto, bumungad sa harapan ko si kuya rukawa na as usual blangko na naman ang expression, nginitian ko ito pero tanging pag irap lang ang isinukli nito sakin bago ako tinalikuran at bumaba ng hagdanan, napailing nalang ako sa ginawa nito, tumakbo ako at sumunod na kaagad sa kanya.
" Kumain ka muna," nakasimangot na saad nito sabay hila sa braso ko. Kainis naman 'to si kuya e.
" Anu ba kuya," sita ko dahil kinakaladkad niya na ako patungong dining namin e.
" Alam kong excited ka para masilayan ang pinakamamahal mo, pero 'wag mo namang gutumin sarili mo dahil kilig lang ang mararamdaman pero maghahanap ka parin ng pagkain pagnagutom ka." Sarcastic na pahayag nito sabay simangot. Natawa naman ako matapos non, iwan ko ba para kasi siyang si kuya kyoya kung mangaral sakin.
" Oo na po, hay naku kuya, wag mong gawing bitamina ang ampalaya, okay." Paalala ko bago siya nginisihan.
Umirap lang ito sakin bago nagsimulang kumain, kumain narin ako dahil mahirap na baka sumpungin na naman itong si kuya at iwan ako bigla. Nang matapos kami sa pagkain tumayo na agad ito at mabilis na naglakad palabas ng mansyon. Anubayan! Sino kayang excited saming dalawa?
-
Nasa harapan na kami ng gate ng shohoku, tanaw ko narin si sakuragi na ngayon ay mukhang kinakabahan na parang iwan, tinutukso rin marahil nila mito dahil binabatukan sila sa huli ni sakuragi.
" Tss. Ang laki ng ngiti ah!" Panunuya na saad ni kuya habang tinitignan ako ng seryoso. Tumikhim naman ako bago ito nginitian, nauna na akong bumaba sa kotse at hindi ito hinintay na makababa, naglakad na ako palayo kaya rinig ko itong tinawag ang pangalan ko dahilan para mapatingin sila sakuragi sa gawi namin.
" h-hanna!" Masayang bati ni sakuragi, tuwid na tuwid na itong nakatayo sa harapan ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng malaki dahil doon. Napakapogi niya talaga, ang laki pa ng katawan niya.
" Magandang umaga sakuragi," bati ko ng nakangiti, tinukso naman kami ng apat kaya namumulang sinamaan sila ng tingin ni sakuragi, tumakbo naman ang apat palayo habang tumatawa.
" Ang hari ng kababawan, kinikilig," kantyaw ni takamiya mula sa dulo, tawa naman ng tawa ang tatlo pa niyang kasama. Ito naman si sakuragi ay mas lalo pang namula ang mukha.
" Baboy ka, humanda ka sakin, kapag nahuli kita." Sigaw na balik ni sakuragi, tumawa nalang ang mga ito bago kumaripas na ng takbo hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.
" P-pagpasensyahan muna sila hanna, mga abnoy kasi ang mga iyon." Nagkakamot na sa batok na saad nito. Umiling naman ako habang nangingiti sa kanya
" wala iyon sakin, sakuragi. Masaya ako na may mga kaibigang ka na katulad nila." Ngumiti naman ito sa sinabi ko, maya maya pa tumikhim ito.
" A-ako nalang magdadala ng gamit mo, hanna. Ayokong nakikita kang nahihirapan." Kandautal na sabi nito sabay kuha nito sa aking kamay. Nagkadikitan ang mga daliri namin kaya naramdaman ko na naman iyong spark na tinatawag nila, mas dumoble ang tibok na nararamdaman ko ng makita ko palang ito kanina.
BINABASA MO ANG
LOVE AT FIRST SIGHT [HANAMICHI SAKURAGI]
FanfictionKilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing sasabak na ito sa loob ng court. Ngunit, sa pag ibig ay palagi itong sawi, dahil sa twing susubok siy...